^

Huwag magkanya-kanya

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

Habang nagkukumahog tayong makakuha ng bakuna, kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na sa lahat ng bakunang naipamahagi na sa mundo, tinata­yang mahigit 700 million doses na, ang malaking mayorya ay sa mayayamang bansa napunta. Sa datos ng WHO, ma­higit 87% ay na-corner ng 1st world nations. Sa low income countries naman ay 0.2% lang ang naligaw.

Kung susumahin, sa mayamang bansa ay malamang-lamang na sa kada apat na tao, may isang bakunado na. Sa mahihirap na bansa, sa kada 500 katao, 1 lang ang nabigyan. Ganito ang mapait na katotohanan ng kawalan ng katarungan sa pagbahagi ng bakuna sa buong kamun­duhan. Ang US nga ay sobra-sobra ang naangkat na bakuna na pauunlakan pa nito ang mga karatig bansang Canada at Mexico na pahiramin ng mga 4 million na Astra­Zeneca vaccines.

Ang COVAX, samahang itinatag ng mga bansa at ng United Nations upang magkaroon na patas na distribusyon ng bakuna, ay may target sanang 2 billion doses na maipamahagi bago matapos ang 2021. Itong Marso ay 100 million ang kanilang plano. Nang matapos ang buwan ay 38 million lang ang napamigay.

May mga balita ring dumidiretso ang iba pang maya­yamang bansa sa pharmaceutical companies at hindi dinaraan sa COVAX ang kanilang mga order. Lalo pa nitong palalalain ang pagkalugi ng mahihirap na bansa.

Dito sa atin ay dama nang marami ang kakulangan ng bakuna. Ikinagulat man na pangatlo na tayo sa buong ASEAN pagdating sa rami ng bakuna, kung bibilangin naman ang dami ng tinatamaan sa atin ay kulang pa rin talaga ang proteksyon para sa lahat.

Hindi kukulangin ang produksiyon ng bakuna para sa bawat isang tao sa mundo. Subalit kung hindi aayusin ang wastong distribusyon, hindi rin magiging mabisa ang proteksiyon. Ang kasabihan ay “vaccination everywhere will crush the virus anywhere”. Mas importanteng mabakunahan ang lahat ng sabay sabay imbes na unahin ang iilan.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with