^

PSN Opinyon

Duterte at Robredo dapat nagtutulungan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang Presidente at Bise Presidente ay dapat nagtutulungan­, di naglalaban. Halimbawa, dalawang linggong nawaglit sa mata ng tao si Pangulong Digong. Inakala ng taumbayan na walang nagpapatakbo sa gobyerno. Kasi naman­, nawawala rin sa mata ng publiko ang Defense Secretary na naka-isolate; ang Presidential Spokesman na naospital; ang Interior Secretary na matagal nang hindi nagpapakita. Lahat  may COVID.

Pero may Vice President tayo. Sakali ma’t nagkatotoo ang maling haka ng iba sa kalagayan ng Pangulo, may bise Presidente na gaganap sa kanyang tungkulin. Salamat sa Diyos at buhay na buhay naman ang Presidente. Ngunit tila hindi napapansin ang mga ginagawa ng Bise Presidente sa harap ng pandemic: naririyan ang mga bagong programa niya tulad ng, ang Bayanihan E-Konsulta. Nagbibigay ito ng libreng konsultasyon sa doktor para sa mga taong nangangailangan.

Basta’t may cell phone ka at free data, puwedeng mag-message sa Bayanihan E-Konsulta Facebook Page, at iku­konek ka ng OVP sa mga partner volunteer doktors para sa consultation. Bukod dito, inilunsad din ng tanggapan ni VP Leni ang Swab Cab—isang mobile COVID testing initiative na dinadala sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID.

Namigay din ang OVP ng libreng COVID Care Kits, na naglalaman ng lahat ng kailangan ng pasyente sa dalawang linggo na naka-isolate ito kung mag-positive sa impeksyon. Sinasagot dito ang dalawang problema natin ngayon pagdating sa pagkontrol ng virus sa bansa: una, ‘yung kakulangan ng mass testing, at pangalawa, ‘yung takot ng mga kababayan natin na ‘di sila makapagtrabaho kapag nag-positive sa COVID.

Lagi kasing mula sa magkaibang partido ang binoboto nating Presidente at Bise Presidente. Kadalasan, magkaiba ang mga pananaw o kabaliktaran talaga ng isa’t isa ang mga paniniwala. Dapat na yatang baguhin ang sistema.  Sabi ko nga sa nauna kong sinulat, ang pagkapanalo ni VP Leni noong 2016 ay patunay lang na nasa kanya na ang mandatong kapantay ng pagiging Pangulo ng bansa.

Nakita natin sa krisis na ito na kung may malinaw na mandato at mga layunin, kayang mamuno ng Bise Presidente. Dahil sa kanyang mandato at kakayahang mamuno, nakikita ko ang lalo pang pag-ariba ni VP Leni sa huling taon niya sa termino. At malay natin, kung magtuluy-tuloy ito, maiuupo siya sa puwesto kung saan maipapakita niya sa atin kung paano dapat mamuno ang isang lider ng bansa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with