^

Dito nagsimula

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2021 - 12:00am

NAUNAHAN na natin ang Portugal at Israel sa rami ng kaso ng COVID-19. Nasa number 30 tayo habang 28 ang Israel at 29 naman ang Portugal. Noong Huwebes, nalam­pasan na natin ang Portugal sa rami ng kaso. Noong Bi­yernes, nalampasan na ang Israel kaya tayo na ang numero 28. Higit 9,000 ang naitala noong Huwebes habang higit 12,000 naman noong Biyernes sa kabila ng halos dalawang linggong ECQ. Ngayon, nasa 876,225 na ang kabuuang bilang ng kaso sa buong bansa.

Masabi ko na ngayon na may mga tao riyan na nagkakalat ng napakamaling impormasyon hinggil sa pan­demya. Na wala naman daw talagang COVID at hindi kaila­ngang magsuot ng face mask. Sinasabi na lang daw ng mga doktor na COVID ang mga karaniwang sakit. Lahat ito ay maling impormasyon na dapat inaaksyunan ng gob­yerno at ng social media.

Peligroso ang magkalat ng maling impormasyon dahil nakalulungkot na may mga naniniwala rito. Tanungin na lang nitong mga nagkakalat ng maling impormasyon ang mga pamilyang tinamaan ng COVID at namatayan kung wala naman talagang COVID-19 na pandemya.

Inilagay na sa MECQ ang Metro Manila at apat na lala­wigan na tatagal hanggang Abril 30. Unang nang sinabi ng OCTA na kung mapapalawig pa ang ECQ ng isang linggo pa ay maaring bumaba ang pagkalat ng COVID. May pag-asa umano kung mapapalawig pa ang ECQ pero eto na nga at isinailalim na sa MECQ. Tingnan natin ang epekto ng downgrading.

Kailangang malaman ng lahat na nagsimula ang pagsipa ng dami ng kaso noong lumuwag ang quarantine. Ang sabi nga, tila palapit nang palapit ang virus dahil mga kakilala mo na ang nagkakasakit o namamatayan. Kaya kung may pagkakataong mabakunahan ay dapat gawin na.   

Ang mga negosyante naman ang nananawagan na buksan muli ang ekonomiya. Naiintindihan ko naman ang kanilang posisyon. Kung nag-iingat lang sana ang lahat ng mamamayan kapag bukas na ang ekonomiya, hindi sana mauuwi sa mga mahigpit na lockdown. Ang problema ay may mga pasaway pa rin. Dito nagsimula ang pagdami ng kaso. Mga kailangang paalalahanin ng tamang pagsuot ng face mask, hindi nagpapatupad ng distancing at mga hindi nagsasabi kapag may sintomas na. Walang saysay ang mga community quarantine kung dadami lang ang kaso kapag binuksan ang ekonomiya dahil may mga nagiging kampante at hindi nag-iingat.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with