^

PSN Opinyon

Panatilihin ang pag-iingat kahit nasa MECQ

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NILUWAGAN nang kaunti ni President Rodrigo Duterte ang National Capital Region (NCR) Plus Bubbles at ilang lalawigan matapos na isailalim na lamang sa modified enhanced community quarantine (MECQ). Ang curfew hours ay ipatutupad ng 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Ngunit hindi nangangahulugan ito na malaya na ang lahat na maglamyerda o lumabas ng mga tahanan. Ang tanging papayagan lamang rito ay ‘yung may mga trabaho at may mga emergency. Kaya kayong mga kabataan, manatili munang nasa bakuran o nasa loob muna kayo ng inyong tahanan upang makaiwas sa kalaboso o multa ng mga city ordinances ng inyong lugar.

Sa totoo lang, maraming local officials ang tutol sa naging­ direktiba ni President Digong, subalit dahil sa sadsad na ang ekonomiya ng bansa at halos said na ang pondo ng bawat LGUs sa pagbibigay ng tulong ng isailalim sa ECQ ang NCR plus bubbles at mga lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan na tila napilitan na ito na luwagan kahit papaano ang mga residente upang makahanap ng pagkakakitaan upang may maipambili ng pagkain at gamot.

Hindi kasi sapat ang ayudang P1,000 o P4,000 sa bawat pamilya na ipinagkalob ng pamahalaang Duterte sa mga lugar na isinailalim sa ECQ. Ang masakit nito halos­ umabot sa 50,000 katao ang nakalaboso sa pagba­le­wala sa ipinatutupad na health protocols.

May mga naibalita pa ngang namatay sa parusang ipinataw umano na pumping sa Cavite at itong pinakahuling balita na namatay naman ang isang curfew violator matapos umanong bugbugin ng mga barangay tanod sa Calamba, Laguna. Kasalukuyan pa itong iniimbestigahan­ ng Philip­pine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government  (DILG).

Kaya ang payo ko, sumunod na lamang muna sa health protocols upang makaiwas sa kaparusahan at siyempre ito ay upang mailigtas sa panganib ng COVID-19 at iba pang variant na kumakalat ngayon. Dapat isaisip ang kaligtasan ng pamilya. Sa ngayon na hindi pa humuhupa ang bangis ng COVID-19 sa bansa at sa buong mundo dapat iprayoridad ang pag-iingat.

Kahit nakakatawa itong kautusan ng mga dalubhasa sa medisina na magsuot ng facemask at face shield, di-sabay-sabay na pagkain at pagpapairal ng social distancing sa loob ng bahay, sundin ito dahil nasubukan na mabisa nga ang pamamaraang ito upang makaiwas sa pagkahawa-hawa.

Palaging isaisip na naguumapaw na sa dami ng pasyente ang mga ospital ng pamahalaan at maging sa mga pribado. Mahigit 14,000 na ang namamatay sa COVID-19. Kaya ang pananatili sa mga tahanan ang mabisang solusyon para di na kumalat ang COVID-19.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with