_ngayon
^

PSN Opinyon

Mga paalala para sa maayos at ligtas na pagpapabakuna

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng libreng bakuna para sa mga #ProudMakatizen bilang bahagi ng #BakunaMakati Vaccination Program ng ating pamahalaang lungsod.

Ito ay kasalukuyang isinasagawa sa Makati Coliseum.

Muli kong hinihikayat ang lahat ng Makatizen na mag­parehistro para sa Bakuna Makati program.

Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang at paalala:

Step 1: Mag-log-in sa www.proudmakatizen.com  at i-click ang COVID-19 vaccination form.

Sa kasalukuyan, prayoridad na grupo ang  #ProudMakatizen frontliners, essential workers, senior citizens, at adults na mayroong medical conditions.

Step 2: Sagutan ang screening questionnaire for vaccination. Ang lahat ng may comorbidity na - (1) non-se­nior Makati voter, (2) non-senior Makati resident pero non-voter, o (3) non-senior 4Ps beneficiary - ay kaila­ngang sagutin ang mga tanong kaugnay sa inyong comorbi­dity. Ito ay alinsunod sa mga panuntunan ng World Health Organization at Department of Health.

Step 3: Makatatanggap kayo ng confirmation number mula sa BAKUNAMKT para sa pag-reserba ng inyong bakuna laban sa COVID-19. Isang confirmation number lamang kada isang tao ang inyong matatanggap. Hindi mabibigyan ng bakuna ang mga Makatizen na walang confirmation number.

Pinapaalalahanan ang bawat Makatizen na mag-ingat sa mga pekeng mensahe na nagmula sa mga hindi awto­risadong numero na naglalaman ng inyong schedule ng pagpapabakuna. Narito rin ang mga opisyal na information sources tungkol sa BakunaMakati:

My Makati (Facebook), @Mayora_Abby (Twitter), MyMakati (Instagram), Makatizen App, at ang Makati web portal, www.makati.gov.ph.

Nais ko ring hingin ang inyong pang-unawa sa ilang system glitches na nararanasan sa pagpaparehistro sa bakuna. Tinitiyak naming ang lahat ng paraan ay aming ginagawa para matugunan ang anumang problema.

Tiyakin po nating tayo’y makarating sa vaccination site nang mas maaga ngunit di lalampas sa 15 minuto bago ang itinakdang schedule, at dalhin ang mga kinakailangan para maipakita sa validator, tulad ng ID, medical certificate para sa mga may comorbidity, at katibayan na kayo ay nakatakdang bakunahan.

Nakadepende ang schedule ng inyong pagbakuna sa prayoridad na grupo ayon sa DOH at sa supply ng bakunang darating.

Tandaan din na bawal ang walk-in na mga indibidwal. Ang mga Makatizen na may confirmation number lamang ang papapasukin sa loob ng vaccination site.

Siguruhing may suot kayong face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay at dumistansya ng isang metro mula sa ibang tao upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.

Pagdating sa loob ng vaccination site, ang lahat ng nakatakdang bakunahan ay dadaan sa counseling kung saan ipaliliwanag kung ano ang mangyayari sa aktwal na pagbabakuna at ano ang maaaring epekto pagkatapos mabakunahan.

Susunod dito ang screening kung saan aalamin ang kalagayan ng iyong kalusugan at kung kayo ay mayroong pre-existing health conditions na maaapektuhan ng bakuna. Dito rin magbibigay ng go signal ang mga doktor na maaari nang mabakunahan ang Makatizens.

Pagkatapos nito, kayo ay mababakunahan na. Manatiling kalmado at maghintay hanggang matapos ang pagbabakuna.

Matapos mabakunahan, lahat ay kailangan na dumeretso sa post vaccination area kung saan oobserbahan ang mga nabakunahan para makita ang reaksyon o epekto ng bakuna sa inyong katawan. Kung sakaling kinakailangan ng agarang tulong, may nakahandang mga ambulansya at mga doktor na maghahatid sa ospital.

Kapag nakaranas ng adverse reaction, puwede ring tumawag sa mga numerong ito: 8870-1452, 8870-1453, at 8870-1454.

Dapat ding tandaan na makukumpleto at magiging epektibo lamang ang bakuna pagtapos ng ikalawang dose kung kaya’t kailangang bumalik para dito. Makibahagi at sundin lamang ang proseso ng Bakuna Makati.

Kung may mga katanungan tungkol sa bakuna, maaari kayong tumawag sa 8870-1442 hanggang 44 at 8870-1447.

Hangad ko ang proteksiyon at kaligtasan ng bawat Makatizen kaya hinihikayat ko ang lahat na magparehistro na sa ating programang Bakuna Makati

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with