_ngayon
^

'Are these numbers for real?’

DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

Habang patuloy na dumarami ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa lalo na sa Metro Manila na sinasabing epicenter ng panibagong wave o pagdagsa ng virus, minsan ‘di ko maiwasang maitanong – “Are these numbers for real?” o kung totoo ba ang nangyayaring ito sa atin.

Hanggang sa kabilang sa mga nagpositibo na uma­abot na ng halos 800,000 at ng mga yumao dahil sa CO­VID-19 ay mga kakilala, kaibigan at maging mga ka­mag-anak. At napatunayan ko na COVID “is real” nga at to­toong nakamamatay.

Sa mga nagdaang linggo umaabot ang mga bagong kaso ng COVID-19 araw-araw sa higit 12,000 at 15,000 pa nga. Hindi na ito biro.

Higit sa lahat, kailangan nating lahat na “let us humble ourselves and pray as a nation, as a people” sa harap ng pandemyang ito.

Kalimutan muna natin ang pulitika at magkaisa tayo kahit sa panalangin natin sa Maykapal.

At ibayong paghahanda naman ang ginagawa ng local government namin dito sa Davao City sa pangunguna ni presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio.

Hindi puwedeng maging kampante at kumpiyansa lang kami rito dapat paghandaan din ang mga bagay-bagay na kailanganin kabilang na ang mga treatment at monitoring facilities upang maiwasang magdagsaan lahat sa mga ospital dito kasali na sa Southern Philippines Medical Center.

Kasi nga ‘yung mga asymptomatic at mild cases na puwede naman sa treatment at monitoring facilities for isolation at nang hindi na sila maihalo sa mga severe cases na dapat nang maospital.

Ngunit kahit anong paghahanda ang gawin natin as a nation, as a people, kailangan pa rin natin ang awa ng Diyos at kailangan nating magdasal at maging mapakumbaba sa harap ng pandemyang ito

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with