^

PSN Opinyon

Kahit ECQ, jueteng ni Yap sa Cavite umaarangkada!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MABILIS pa sa kidlat si Col. Marlon Santos, Cavite provin­cial director sa pagsibak kay Lt. Col. Mario Celero, Ge­­neral Trias police chief matapos matanto na nagsinungaling ito sa kaso ni Darren Peñaredondo. Si Santos ay personal na tumungo sa General Trias para imbes­tigahan ang kaso ni Peñaredondo, 28, na namatay matapos­ magsagawa ng 300 pumping exercise bilang parusa dahil nahuli sa paglabag ng curfew.

Siyempre, deny to death si Celero na nangyari ang insidente. Subalit nakakuha si Santos ng dalawang testigo na magpapatunay na pinahirapan ng mga lokal na pulis ang mga naaresto sa curfew kaya hayun sibak kaagad si Celero at dalawang tauhan niya.

Inaalam pa ni Santos kung bakit ipinataw ang naturang kaparusahan sa mga lumalabag sa curfew samantalang maging si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ay warning lang o penalty ang gusto. Ayaw ni Sinas na may aarestuhin sa paglabag ng curfew. Mismoooo! Kanya-kanyang gimik lang talaga, no mga kosa? Dipugaaaa!

Kung mabilis man si Santos sa pagsibak kay Celero, aba usad pagong naman siya sa pag-aksiyon sa jueteng ni John Yap sa Cavite. Parang ayaw maniwala ni Santos at Cavite Gov. Jonvic Remulla na ang jueteng ni Yap ay malaki ang papel kung bakit tumataas ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 sa probinsiya.

Kahit idineklara na enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna dahil sa mataas na kaso ng COVID, aba umaarang­kada naman ang jueteng ni Yap sa probinsiya ni Remulla. Sinabi ng mga kosa ko na dalawang beses – sa umaga at tanghali – kung magbola ng winning combinations ng jueteng si Yap. Hindi makapagbola si Yap sa gabi dahil may curfew.

Kahit sarado ang mga palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), puwedeng tumuloy ang operations ng jueteng ni Yap dahil may sariling silang tinatawag na draw court. Kung tuloy ang jueteng ni Yap, aba malaki ang posibilidad na tataas pa ang tatamaan ng virus sa Cavite dahil lumalabas ang mga kubrador para mangolekta ng taya, di ba Brig. Gen. Felipe «Pipoy» Natividad, Calabarzon police director? Dipugaaaaa!

Matatandaan na sinisi ni Remulla ang mga sangay ng gobyerno sa pagtaas ng COVID sa lugar n’ya subalit bakit tahimik s’ya sa jueteng ni Yap? Dipugaaaaa!

ECQ

JUETENG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with