^

Malakas na pantapat

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

Nakapasok na sa South China Sea ang Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) ng US Navy. Ang pakay ay malayang paglalayag at paglipad at para magsagawa ng exercises sa karagatan. Nataon naman na kasalukuyang nagsasagawa ng exercises ang China­ sa sila­ngan at kanluran ng Taiwan. Sa kanluran ay mga barkong pandigma ang nagsasagawa ng exercises habang sa sila­ngan ay mga eroplanong pandigma naman. Hindi na ka­ilangang maging henyo para masabing nagpapakita ng lakas ang China sa Taiwan na itinuturing na rebeldeng estado.

Kaya naman nagpahayag ang foreign minister ng Taiwan na lalaban sila hanggang sa katapusan kung lulu­subin sila ng China. Kaalyado ng Taiwan ang US. Kara­mihan ng sandata ng Taiwan ay galing sa US. Sigurado ako na sasaklolo ang US kung sakaling lusubin sila ng China. Hindi ako magtataka kung bakit sila nasa South China Sea ngayon ang TRCSG ay para magpahiwatig sa China na malapit lang sila. Nagsalita na nga ang US na kung sasalakayin ng China ang mga barko o eroplano ng AFP ay magaganap ang obligasyon nila batay sa Mu­tual Defense Treaty. Nababahala rin sila sa rami ng barko ng China sa Julian Felipe Reef.

At ito nga sana ang nais ni Deputy House Speaker Rufus Rodriguez. Kung mapapadalas ang paglalayag ng US sa West Philippine Sea, mababawasan ang pang­­hihimasok ng mga barko ng China, mangingisda man o hindi. Hamon na rin ito sa pang-aangkin ng China sa buong karagatan sa kabila ng desisyon ng UN na nagsa­sabing hindi. Kung madalas magpahayag ng suporta ng US sa bansa, ngayon ang panahon para ipakita.

Pero galit nga si President Duterte sa US, hindi ba? Nais pa niyang kanselahin ang MDT. Isama na ang kanyang mga tapat na taga-suporta. Iilan lang sa kanyang Gabinete ang nagpapahayag na kailangan natin ang US bilang malakas na kaalyado. Hindi maririnig iyan sa mga senador, kongresista at opisyal ng gobyerno na dikit kay President Duterte. Mas pupurihin pa rin ang China at Russia. Mabuti at kahit nilalaglag na ni Duterte at ng kanyang mga kaalyado ang US ay nagpahayag pa rin ng suporta sa bansa. Kailangan nang malakas na kaalyado pantapat sa lakas ng China ngayon. Iyan ang tunay na balanse.

TRCSG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with