^

Ang Ivermectin

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2021 - 12:00am

Marami ang mga nagpapatotoo na mabisa ang Iver­mectin, isang uri ng pamurga sa mga hayop bilang gamot sa COVID-19. Ang isa sa mga masusugid na nagsusulong na ito’y maaprobahan ay si Anakkalusugan Party-list Rep. Mike Defensor.

May personal testimony si Defensor na ang naturang gamot, bagama’t hindi para sa tao ay nakagaling sa kanya. Marami rin sa ibang gumamit nito ang nagpatotoo rin na epektibo ang naturang gamot at hindi nagkaroon ng masamang side effects.

Kahit sa social media, inulan ng batikos ang Department of Health, partikular ang Food and Drugs Admnistration dahil ayaw bigyan ng go-signal ang paggamit sa naturang gamot.

Ang katuwiran ng FDA, walang sapat na datos para patunayang mabisang gamot sa COVID ang Ivermectin. Pero tayo ay nasa isang emergency situation. Kahit ang mga bakunang ginagamit ay hindi pa rin napapatunayan kung epektibo para pigilan ang pagkapit ng COVID sa isang tao.

Kung magkagayon, bakit hindi bigyan ng provisional approval ang paggamit ng naturang gamot sa harap ng mga testimonya na ito’y nakapagpagaling sa maraming tao? Tutal, sa rami ng positive publicity sa Ivermectin, naniniwala ako na aprobahan man o hindi ito ng gobyerno, tiyak hahanapin ito ng tao at tatangkilikin. At ang masamang posibleng mangyari ay papasok sa blackmarket ang gamot at ibebenta ng pasikreto sa malaking halaga.

Ganyan din ang nangyari bago dumating ang bakunang Sinovac. Kahit wala pang go-signal ang gobyerno ay nag-unahan ang mga tao na mabakunahan nito. Sana aprobahan na ang Ivermectin.

IVER­MECTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with