^

Tips pangkalusugan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2021 - 12:00am

Narito po ang mga mahahalagang tips na pangkalusugan.

1. Kumain ng mga gulay at prutas – Ang mga gulay at prutas ay puno ng fiber, bitamina, mineral at maraming antioxidant. Ayon sa eksperto, ang mga taong kumakain ng karamihan sa mga gulay at prutas ay nabubuhay nang mas mahaba. Mababawasan din ang sakit sa puso at type 2 diabetes.

2. Regular na mag-ehersisyo – Ang ehersisyo ay makatutulong para sa iyong mental at pisikal na kalu­sugan. Ito ay epektibo sa pagbawas ng taba sa tiyan.

3. Matulog nang sapat – Ang kulang sa tulog ay maaaring magdulot ng panganib sa diabetes at hormonal imbalance. Iwasan ang maliliwanag na ilaw bago ma­tulog. Maaari nitong mapigilan ang paggawa ng sleep hormone o melatonin.

4. Huwag manigarilyo, magdroga, at limitahan ang pag-inom ng alak.

5. Iwasan ang junk food at processed foods – Kumain ng sariwang pagkain. Ang processed foods ay karaniwang mababa sa fiber, protina at micronutrients at mataas sa asukal. Kaya, halos wala itong sustansya.

6. Limitahan ang mga pagkain ng mga mamantika at refined carbs tulad ng kanin at tinapay. Posibleng maging sanhi ito ng diabetes.

7. Limitahan ang pag-inom ng matatamis – Ang matatamis na inumin ay posibleng magresulta ng pagi­ging mataba, pagkakaroon ng type 2 diabetes at sakit sa puso. Kahit ang mga fruit juices sa bote ay hindi gaanong healthy dahil naglalaman nang maraming asukal.

8. Masustansya ang mani – Ang mani ay puno ng mag­nesium, vitamin E, fiber at iba pang nutrients na maaari makatulong sa pagbawas ng timbang at panlaban sa sakit. Piliin ang mani na walang mantika at konti lang ang asin.

9. Uminom ng sapat na tubig bago kumain – Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng 2 tasang tubig kada 30 minuto bago kumain ay nakababawas ng timbang.

10. Kumain ng isda gaya ng tamban, dilis, sardinas, bangus, tuna at salmon – Ito ay mapagkukunan ng ma­taas na kalidad na protina. May healthy fat na omega-3 fatty acids at iba pang mga nutrients. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong kumakain ng isda ay may mas mababang panganib kabilang ang sakit sa puso.

WILLIE T. ONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with