^

Ano ang sunod na hakbang?

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2021 - 12:00am

“LEAVE immediately” daw. Ito ang babala ng mga barkong pangisda, daw, ng China na nagdagsaan sa Julian Felipe Reef na malinaw nasa loob ng ating exclusive economic zone (EEZ). Higit 200 barko ang matagal na palang nasa lugar. Ayon sa “opisyal” na pahayag ng embahada ng China, nandoon lang ang mga barko para umiwas sa masamang panahon o karagatan. Ang mahirap dito sa China, akala lahat ng Pilipino ay tanga. Ito nga ang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Kailangang magpaliwanag ni Chinese ambassador Huang Xilian kung bakit nananatili pa rin ang napakaraming­ barko sa bahura kung matagal nang maganda ang pa­nahon. Matatandaan na gumawa ng kuwento ang barkong pangisda na bumangga sa Gem Vir 1. Kaya raw nabangga ay dahil hinahabol daw sila ng mga Pilipinong barkong pangisda. Pero lumabas na walang mga barko sa lugar batay­ sa larawan ng satellite. Akala maniniwala na lang tayo sa pahayag nila.

Ayon kay Lorenzana, dapat matagal nang umalis ang mga barko roon. At hindi lang sa Julian Feipe Reef may mga barko ng China kundi pati rin sa Chigua, Panganiban, Kagitingan, Zamora at Pagasa kung saan may mga nakatira nang mga Pilipino. Sa Pagkakaisa o Union Banks, may namataang mga ilegal na istruktura na naka­tayo na roon. Maaaring sangkot sa ilegal; na pangingisda rin ang mga barko tuwing gabi. Alam nating walang pakialam ang China sa kalikasan. Importante lang sa kanila ang may mahango para kumita.

Mukhang pinagsamantalahan ng China ang pandemya para simulan ang pagtatayo ng mga istruktura sa ilan pang mga bahura sa West Philippine Sea. Alam na nababahala ang bansa sa pandemya at sa pagkuha ng bakuna­. Binanggit ni former Supreme Court Justice Antonio Carpio na maaaring ang dahilan ng mga donasyong bakuna mula China ay para hindi na lang pansinin ang mga barko sa loob ng ating EEZ.   

 Hindi pinapansin ng China ang ating mga protesta at iginiit na sila ay nasa kanilang teritoryo at lahat ng mga isla at bahura ay sakop ng kanilang soberenya. Ganundin ang pahayag ng ilang mga opisyal natin kaya ano na ang sunod na hakbang? Ito na ang resulta sa pagiging kampante sa ating teritoryo at soberenya dahil ayaw galitin ang China. Maaaring sabihin na naging pabaya ang gobyerno dahil ayaw ngang galitin ang kinakaibigang China.

Wala nang maiiwan sa kalikasan ng mga bahurang nabanggit kung tunay ngang may iligal na aktibidad ang mga barko. Mga higanteng taklobo malamang ubos na. Wala na ring matatayuan na istraktura ang bansa kung inuunahan na tayo at dinadaan sa banta ng karahasan.

 Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with