^

PSN Opinyon

Kapalpakan ng admin, ikalalakas ng oposisyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa Thailand, Vietnam at Taiwan ang pandemic lockdowns ay pang-komunidad at sandali lang. Hinusayan nila ang contact tracing. Resulta: konti lang ang impeksiyon at patay, at masigla ang ekonomiya.

Sa Pilipinas malawakan at matagal ang lockdowns, at binalewala ang contact tracing. Resulta: giba ang eko­­nomiya, 4.5 milyon walang hanapbuhay, 950,000 nalum­­pong maliliit na negosyo. Dumarami ang nagugutom at wala nang pang-ayuda ang gobyerno, inaamin ni Pangulo Rody Duterte. Pero “maliit na bagay lang” aniya ang COVID-19.

Sa mga kapit-bansa dumagsa na ang bakuna. Sa Pili­pinas gapatak lang ang dating. Ipinilit pa ang Sinovac ng China, na 50% efficacy lang. Nadiskubre ng Senado ang P64-bilyong tangkang kickback. Luma­lala ang pandemya. Kumakalat tuloy ang hashtag na #DutertePalpak­.

Sa survey nung Disyembre 2020 na kinomisyon ng Publicus Asia, malaking 70% ng respondents ang naniniwala kay Duterte. Pero nitong mga nakaraang buwan lumaganap ang pagdududa sa pamunuan niya. Tinuligsa ang admin ng mga samahan ng health workers, negos­yante, manggagawa, magbababoy, at magmamanok.

Siya namang paglitaw ng koalisyong 1Sambayan na pag-iisahin ang oposisyon. Magtataguyod ito ng pinag­sanib na tiket para Pangulo, Bise at 12 senador sa Halalan­ 2022. Hihimuking umatras ang iba para solido ang boto sa oposisyon, imbes daw matalo dahil hati-hati.

Naglalayon ng pagbabago ang mga nag-iisip na mamamayan. Naghahanap sila ng matinong gobyerno, ani dating Justice Antonio Carpio, chairman ng 1Sambayan. Palitan na ang tiwali at palpak na admin ni Duterte, aniya. Matatag ang organisasyon at mapera ang admin­ tiket. Kung manatiling nagkakaisa ang oposis­yon, susuportahan sila ng mga taga-kampanya at taga-pondo. Kundi, lalala ang krisis, ani Carpio.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DWIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with