^

Malayo pa sa normal

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2021 - 12:00am

Kasasabi lang na isang mahigpit na ECQ ay hindi na maipatutupad sa bansa. Pero dahil sa bilang ng higit 9,000 mga kaso sa loob nang magkakasunod na araw, mina­buti ng mga opisyal na ilagay ang NCR, Rizal, Cavite, Bulacan­, at Laguna sa ECQ sa buong Semana Santa. Hindi naman daw ito tulad ng ECQ noong isang taon, pero may curfew mula 6:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. na ipinataw din sa mga lugar na ito.

Hindi naman daw maghihigpit sa pagpapatupad ng curfew sa mga pauwi na. Ang staycation sa NCR ay hindi pina­payagan sa panahon ng ECQ kaya manatili lamang sa bahay. Ang buong ideya ay upang bawasan ang pagbuhos ng mga tao. Ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ay sumabay sa pagluwag ng quarantine at pagbukas ng ekonomiya.

Marahil naisip ng mga tao na sa pagluwag ng quarantine at pagdating ng bakuna sa bansa ay mas ligtas na humantong sa normal na buhay. Walang mas malayo sa katotohanan. Ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at shield, paglilinis ng kamay at physical distancing ay dapat pa ring sundin. Hindi pinapayagan ang mga pagtitipon ng napakaraming tao. Sa palagay ko dapat ilabas ng gobyerno ang demograpiko ng lahat ng kasalukuyang positibong kaso, upang malaman ng tao kung saan nagmula ang mga ito.

Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, 6 sa 10 Pilipino ang nag-aalangan na mabakunahan. Ito ay higit 40 milyong tao na nag-aalangang magpabakuna. Paano maka­­kamit ang target ng gobyerno na 70 milyon para ma­kamit ang herd immunity? Dapat itaas ng gobyerno ang pagtitiwala sa programa ng pagbabakuna. Pero ang mga alalahanin ng mga ayaw magpabakuna ay hindi ganap na walang batayan.

Ang mga nakakaranas ng side effects mula sa baku­nang AstraZeneca tulad ng lagnat, sakit ng ulo at buong katawan ay tumataas. Sa kabila ng wala pang naririnig na side effects mula sa mga nabakunahan ng Sinovac, ang pinagmulan mismo ng bakuna ay nagdudulot ng pag-aalinlangan.

Wala pang mga bakunang Pfizer, Moderna, at Johnson & Johnson na maaaring magpabuti ng pagtitiwala dahil mataas ang epektibo. Pero dahil ito ang mga bakunang lubos na hinahangad sa mundo, nagkakaroon ng problema sa suplay para sa ibang bansa. Dapat din nating banggitin ang coronavirus ay hindi pa ganap na nauunawaan.

Ang paglitaw ng variants ang  magpapatunay nito. Ginigiit naman ng mga kompanya na ang kanilang kani-kanilang bakuna ay epektibo laban sa variants. Ngunit mahirap ding paniwalaan sa kawalan ng malawak na clinical trials.

May mga nagsasabing pansamantala at hindi panghabambuhay na kaligtasan ang mabibigay ng mga kasalukuyang bakuna kaya baka kailangang maturukan kada anim na buwan o kada taon. Kailangang malaman ng mundo ang tamang paglaban sa coronavirus. Malayo pa tayo sa normal na buhay na inaasam. Baka matagal pa ang labang ito

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with