_ngayon
^

PSN Opinyon

Online registration ng seniors para sa Bakuna Makati, sinimulan na!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita para sa ating Senior Makatizens!

Bilang bahagi ng ating puspusang kampanya laban sa COVID-19 pandemic, sinimulan na nitong March 25 ang online registration para sa mga senior citizen ng Makati na nagnanais makatanggap ng libreng bakuna sa Makati. Kabilang dito ang mga mayroong Makatizen Card, Blu Card, Yellow Card, at White Card, pati na mga rehistradong botante ng Makati na walang alinman sa nabanggit na mga card.

Ang ating minamahal na mga lolo’t lola ay itinuturing na “high risk” dahil labis na mapanganib sa kanila ang sakit at ang mga kumplikasyong dulot nito. Kaya naman prayoridad silang mabakunahan ng pamahalaang lungsod kasunod ng mga frontliners na naglilingkod sa mga ospital sa lungsod, mga health center, incident command post, health department, pati na rin ang kapulisan at bum­bero.

Inaasahan kong marami ang magpaparehistro dahil­ batid nilang ang pagpapabakuna ay makakatulong upang manatili silang ligtas, pati na ang mga mahal nila sa buhay. Ang karagdagang proteksiyong ibinibigay ng bakuna ay makakabawas sa panganib na mahawa at makahawa, at habang dumarami ang nababakunahan sa komunidad ay nagkakaroon ng tinatawag na herd immunity. Ito ang kailangan upang epektibong mapatigil ang pagkalat ng virus at muling sumigla ang pamumuhay at ekonomiya sa lungsod at sa buong bansa.

Para magrehistro, magpunta sa link na www.proudmakatizen.com  at i-click ang Bakuna Makati icon. Hana­pin ang kategorya na angkop para sa magre-register at maaari nang simulan ang pagsagot sa form para sa registration. Puwedeng pumili kung English o Tagalog ang sasagutan. Tiyaking lahat ng importanteng datos (may markang *) ay mailagay upang ma-click ang Submit na nangangahulugang nakumpleto ang rehistrasyon. Siguruhin ding tama at makatotohanan ang pagsagot sa form, kasama na ang screening questionnaire. 

Pagkatapos ma-click ang Submit, kailangang tan­daan at itala ang confirmation number/booking code na lalabas. Makakatanggap ng SMS (text) message sa mobile number na inilagay sa form, na nagsasaad ng schedule at lugar ng vaccination. Sa itinakdang petsa, magpunta sa itinalagang vaccination site at iprisinta ang government-issued ID kasama ang booking code sa validator. Pagkatapos i-check ito, magpi-print na ng vaccination card at iaabot ito sa babakunahan.

Para sa Makatizen seniors na walang access sa internet at computer, sisimulan ngayong araw ang pag-iikot ng mga Dyip Ni Maki sa iba’t ibang barangay sa Makati. Nakasakay sa mga ito ang mga guro na tutulong sa rehistrasyon ng seniors gamit ang mga laptop na may internet connection.

Sa Marso 30, sisimulan naman ang online registration para sa mga Makatizen na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na 18 hanggang 59 taong gulang. Alinsunod ito sa itinakdang prioritization ng pambansang pamahalaan na kinabibilangan ng pinakamahirap na sektor. 

Para sa iba pang katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe sa My Makati Facebook page,  o tumawag sa Makati Social Welfare Department helplines sa numerong (02) 8870-1236, (020 8870-1638, at cellphone number 09663470597.

SENIOR CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with