^

PSN Opinyon

OFW ang biniktima

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG mga overseas Filipino workers (OFWs) ang mga bagong bayani ng ating panahon dahil sa milyones na kanilang kinikita para tumaas ang ating ekonomiya. Pero nabibilang sila sa pinakamahirap na sektor ng lipunan at laging kawawa dahil madalas na nakatira sa mga squatter at lugar na talamak ang krimen.

Ang tangi nilang pag-asa ay makahanap ng maayos na trabaho sa ibang bansa. Pero mayroon sa kanila ang nabibiktima ng mapagsamantalang among dayuhan. Nagtitiis sila sa hindi makataong kondisyon para lang mabuhay. Ito ay nilalarawan sa kaso ni Virginia.

Dahil gustong makapagtrabaho sa ibang bansa, luma-pit si Virginia sa isang employment agency, ang AMA Inc., sa pamamagitan ng manedyer nitong si Rosita. Tinanggap siyang domestic helper sa Kuwait at may suweldong $400 kada buwan sa loob ng dalawang taon na kontrata.

Nakarating ng Kuwait si Virginia kasama ng ibang OFWs. Pero dahil hindi nagkasundo sa kontrata ay hindi naging maayos ang una at ikalawa niyang trabaho. Bandang huli, nakapagtrabaho siya sa isang Sahib Mustafa sa pamamagitan ng employment agency na Rajah Mahi. Iyon nga lang, walang ginawa ang agency para makakuha ng working visa si Virginia.

Imbes na $400 ay $227.75 lang din ang natatanggap ng pobre. Hindi siya nagkaroon ng permanenteng amo sa loob ng dalawang taon niyang kontrata. Puro pangako lang ang sabi sa kanyang trabaho pero ang talagang gusto lang mangyari ni Sahib Mustafa ay gawin siyang entertainer sa mga bahay aliwan.

Naisipan ni Virginia na umuwi na lang sa Pilipinas. Pero pinakopya sa kanya ang isang sulat na kunwari ay nagbibitiw siya sa trabaho pero ang totoo ay ito ang ginawang kondisyon sa kanya para siya makauwi at mabigyan ng tiket ng eroplano.

Walang nagawa si Virginia kung hindi ang sumunod. Ginawa at pinirmahan niya ang sulat para lang makabalik sa Pilipinas. Pero pagdating sa ating bansa ay agad siyang nagsampa ng reklamo sa NLRC laban sa AMA Inc. at kay Rosita.

Pagkatapos ng paglilitis, naglabas ng desisyon ang NLRC pabor kay Virginia. Pinagbabayad ang AMA Inc. at si Rosita sa diperensiya sa suweldo pati na kulang sa kontrata na nagkakahalaga ng US$2,916.75 pati P25,000 moral damages at P25,000 exemplary damages. Umapela ang AMA Inc. at si Rosita pero ibinasura ito ng Court of Appeals.

Nang iakyat pa sa Supreme Court ang kaso, kinatigan pa rin ng SC ang hatol ng CA na kinatigan naman ang desisyon ng NLRC. Bagaman binago ng kaunti ang hatol at pinagbayad pa ng interes (6% per annum) ang AMA Inc. at si Rosita. Ayon sa SC, nang kumpirmahin ng CA ang mga detalye ng kaso na pinag-aralan ng NLRC ay hindi na ito babaguhin pa ng SC.

Walang basehan ang korte para baguhin ang mga napag-aralan lalo at walang nakikitang iregularidad sa bisa ng desisyon.  Ayon pa sa SC, madalas na pinagdududahan ang mga waiver/quitclaim na madalas naman ay pinipilit lang papirmahan sa ating mga kawawang kababayan.

Hindi rin tinanggap ng SC ang argumento ng AMA Inc. at ni Rosita na kaya umuwi si Virginia sa Pilipinas ay dahil buntis ang babae base sa medical certificate ni Virginia sa Kuwait na nagkaroon daw ng incomplete abortion ang OFW. Hindi na raw pag-aaksayahan ng korte na ungkatin pa ang isyung ito lalo at napatunayan naman na talagang hindi nasunod ang mga kondisyones sa employment contract ni Virginia.

Maski ang NLRC at CA ay hind inga pinansin ang isyung ito dahil alam naman ng lahat na madaling maging biktima ng mapagsamantalang among dayuhan ang ating mga kababayan sa ibang bansa (Al-Masiya Overseas Employment Agency Inc. and Rosita Aboy vs. Hazel Viernes, G.R. 216132, January 22, 2020). 

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with