_ngayon
^

‘Who calls the shots’? Ikaw pa ba Duque?

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2021 - 12:00am

ANG alam ko nandiyan ka pa bilang Secretary of Health ngunit hindi na ikaw ang tinatawag na “somebody who calls the shots” sa Department of Health (DOH) lalo na sa panahon ngayon ng pandemya, di ba Secretary Francisco Duque III?

Sabi ng sources ko sa loob, ang pinagkakatiwalaan ngayon sa kung ano ang gagawing hakbang ng pamahalaan sa patuloy na paglobo ng COVID cases sa bansa, lalo na sa Metro Manila ay sina Dr. Edsel Salvana at Undersecretary Leopodo Vega.

Sina Salvana at Vega na raw ang. mga sinasabing “who calls the shots” at hindi na si Duque.

Mahirap kasing “changing horses midstream”.

Sina Salvana at Vega ay may nalalaman at karanasan kung ano ang mga gagawin at kung paano ima-manage ang pandemyang dumating sa ating bansa.

Mapagkakatiwalaan sina Vega at Salvana kung trabaho ang pag-uusapan. 

Heto lang ha, ang hirap kasi para sa aming mamamayan na lumalaban kontra sa pagkalat ng COVID kung patuloy na si Duque ang nakikita naming mukha ng DOH. Di ba?

Lalong nakadidismaya para sa mga mamamayan. Isipin na sa mukha ni Duque nakasalalay ang aming pangamba, alalahanin at takot sa COVID-19.

Secretary Duque maawa ka naman sa sambayanang Pilipino, COVID is real don’t be cruel.

DOH FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with