_ngayon
^

PSN Opinyon

10K ayuda kinatigan ni Senador Bong Go

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PALAGAY ko bibilis na ang pagsasabatas sa napakagan­dang Php 10-k Ayuda Bill ni Rep. Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kaalyado sa Kamara de Representante. Ito’y makaraang magpahayag ng personal na suporta si Sen. Bong Go. Aba’y dapat naman lalo pa’t nakikita nating tumataas na naman ang kaso ng mga dinarapuan ng COVID-19.

Ang Bill ay bahagi ng ‘Call to Action’ Balik sa Tamang Serbisyo program na naglalayong mabigyan ng P10k ang bawat pamilyang Pilipino na patuloy na iginugupo ng pan­demyang COVID-19. Dahil yata sa politika, ang Bill ay naba­balam sa Kamara kahit ito’y dapat gawing prayoridad.

Ngayon mismong si Sen. Go ang nag-eendorso, marahil naman ay hindi na ito tutulugan. Si Go ay itinuturing na “eyes and ears” ni Pangulong Duterte at kilala rin natin ang pagkapursigido niya sa pagsusulong ng mga progra­mang makatutulong sa maralitang mamamayan.

Nanawagan siya sa Dept. of Finance and Dept. of Budget and Management na tingnan kung may sapat na pondo ang gobyerno para magbigay ng karagdagang ayuda para sa taumbayan hindi lamang sa NCR kundi maging sa buong bansa. Pinakikilos rin niya ang DSWD upang pag-aralan kung ilan ang magiging benepisyaryo ng programang ito.

Hoy, mga pinagpipitaganang Mambabatas sa Mababang Kapulungan, aksyon na! Ang P10k ayuda bill ay noon pang Feb. 1, 2021 inihain ni Cayetano at kasamahan pero hanggang ngayon ay wala pa rin ginawang aksyon ang House Committee on Social Services. Nagtapos na ang session ng kongreso kahapon at hanggang Mayo 18 pa nakabakasyon ang mga mambabatas. Hindi man lang nagsagawa ng kahit man lang isang hearing ang Kamara tungkol dito. 

Huwag ka namang insensitive sa pangangailangan ng taumbayan, Speaker Velasco lalu pa’t matagal pa bago marating  ang kahit man lang 70% vaccination sa mga Pinoy. Ngayon si Bong Go na ang nagtutulak ng Bill na ito, huwag na kayong magtulugtulugan. Alam naman natin na kapag si Bong Go ang nagsalita ay puwedeng magpatawag ng special session gaya nang ginawa nang isabatas ang Bayanihan 1 and 2 sa pamumuno ni dating Speaker Cayetano. 

ALAN PETER CAYETANO BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with