^

PSN Opinyon

IATF, may pagkukulang din sa laban vs COVID!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAY pagkukulang din ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung bakit hindi sinusunod ng mga matitigas na ulo na mga Pinoy ang kanilang mga health protocols tungkol sa COVID-19. Kasi sa tingin ng mga Pinoy, hindi seryoso ang IATF sa pagpatupad ng health protocols, lalo na ang social distancing, kaya labas nang labas sila sa kalye.

Halimbawa mga kosa, kahit ibinaba na namang muli sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan at Laguna, aba kitang-kita naman na tuloy pa rin ang jueteng sa hurisdiksiyon ni Gov. Jonvic Remulla; online sabong na “Sabong Express” ni Bong Pineda kay Gov. Dennis Pineda, at Pitmaster Cup ni Atong Ang kay Gov. Ramil Hernandez.

Kung hindi ginagalaw ng IATF ang jueteng ni John Yap sa Cavite at mga online sabong ng mga “untouchable” na negosyante, eh bakit sila palagi na isang-kahig isang tuka na Pinoy ang tinatarget? Saan ang hustisya?

Kung hinambalos sana ng IATF ang jueteng sa Cavite at mga online sabong, tiyak hindi lalabas sa kani-kanilang bahay ang matigas ang ulong mga Pinoy dahil itong mga “untouchable” nga nasampolan sila pa kaya na hampaslupa? May punto, ‘di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Kahit natsugi na nga ang partner niyang si Jun Moriones­, hindi naman pinansin ito ni John Yap at tuloy lang ang kanyang jueteng sa area ni Cavite provincial director Col. Marlon Santos. Kaya hindi na dapat magtaka si Pre­sident Digong kung tumaas man ang COVID sa Ca­vite kasi naglalakwatsa pa ang mga kubrador ni Yap sa kalye para kumalap ng taya sa jueteng. Get’s mo President Digong Sir?

Kapag nagkulong naman sa bahay ang mga kubrador, ano ang ipakakain nila sa kanilang pamilya kung wala ng ayuda mula sa gobyerno? May punto uli, ‘di ba mga kosa? Kaya lang dapat harapin ni Remulla ang problema dulot ng COVID tulad ng ibang gobernador at hindi ‘yung mag-finger pointing siya. E jueteng nga ni Yap na kitang-kita sa kalye hindi maaksiyunan ni Remulla ito pa kayang COVID na hindi nakikita? Dipugaaaaa! Uwian na!

Kelan kaya sisisihin ni Gov. Remulla ang IATF sa pagtaas ng kaso ng COVID sa kanyang probinsiya? Ang tagal naman! Dipugaaaa! Abangan!

vuukle comment

COVID-19

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with