^

PSN Opinyon

Nakakaraos tayo dahil sa pagtutulungan natin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MALAKING tulong sa atin ang ayuda mula sa gobyerno nitong pandemya. Pero kung tutuusin perang buwis din natin ang ipinamahagi sa atin. Masigasig ang opisyales sa pagplano ng transportasyon, edukasyon, at kaligtasan, pero tungkulin nila ‘yon sa ating nagpapasahod sa kanila.

May bagay na dapat natin ipagpasalamat kaya tayo nakakaraos sa krisis. Dahil sa pagtutulungan natin sa isa’t isa, napawi ang malawakang pagkagutom. Halos kalahati ng hanapbuhay ay nalusaw ng pinakamahabang lockdown sa mundo. Tinamaan pa ng bagyo, baha, landslide, sunog, lindol, at sabog-bulkan ang marami. Pero mabilis tumulong sa mga nasalanta ang mga nakaligtas. Maraming ehemplo nga na ang mga kababangon pa lang sa sakuna ay dumulog din agad sa mga naindulto.

Malaman ang kuwentong patuloy umiikot online, hindi nga lang napangalanan ang umakda: Namahagi ang guro ng tig-isang lobo sa mga estudyante. Pinahipan niya at pinasulat ang kani-kanyang pangalan sa lobo, at pinag­halu-halo ang mga ito sa sahig. Pinahanap ng guro sa mga estud­yante ang sariling lobo. Maraming minuto ang lumipas, pero hindi nila mahanap ang mga lobo nila. Binago ng guro ang utos. Damputin aniya ang pinaka-malapit na lobo at iabot ito sa may-ari. Ilang segundo lang hawak na ng lahat ang kani-kanilang lobo. Masaya lahat.

Aral: pinadadali ng pagtutulungan ang buhay natin.

Sa krisis lahat tayo ay may tinulungan. May nakaalala rin na tulungan tayo. Umikot ang biyaya; maliit o malaki ang ibinigay o natanggap, lahat ay nakagalak. Miski munting­ ngiti nakakataba ng puso.

Ipagpasalamat sa Diyos lahat ng natulungan at tumulong sa atin: magulang, kapamilya, asawa, kasintahan, kapatid, anak, lolo’t lola, apo, kaibigan, katrabaho, boss, tauhan, kapitbahay at pati estranghero. Lahat sila binuo ang buhay at pagkatao natin sa panahon ng hirap.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

PANDEMIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with