^

PSN Opinyon

Gusto ring mabuhay

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PINAGPAPALIWANAG ng DILG ang limang malandi este mali alkalde pala kung bakit sila sumingit sa COVID 19 bakunahan blues samantalang ang priority ay mga health worker muna.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpalabas ng mga show-cause orders ang DILG kina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City, Mayor Dibu Tuanm ng T’boli, South Cotabato, Mayor Sulpicio Villa­lobos ng Sto. Niño, South Cotabato, Mayor Noel Rosal ng Legazpi City sa Albay, at Mayor Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangang sumagot sa show-cause order sa loob ng three working days ang mga malandi este mali alkalde pala.

Banat ng DILG, kapag may probable cause, ipadadala ito sa Ombudsman dahil lumabag sila sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act). 

Sabi nga, kung anumang admin case ang ipapataw sa limang mayors, ang Ombudsman ang magsasabi.

Birada ng DILG, si Romualdez ay lumabag sa health protocols dahil hindi siya nagsuot ng face mask at face shields habang binabakunahan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may nilabag din ang mga mayor nang sumingit sila sa pagpapaturok ng bakuna pero gusto lamang nilang mabuhay para hindi sila magkasakit o makahawa?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naiintindihan nila ang ginawa ng mga mayor sa pagpapaturok ng bakuna pero alam naman sa mga probinsiya na nangunguna ang mga ito sa pag-iikot sa kanilang cons­tituents para personal na malaman nila kung ang kanilang mga kababayan ay ligtas sa virus.

Sana huwag na nating pulitikahin ang isyung “bakuna blues” dahil sa ginawang pagsingit para maturukan ang mga ito.

Bakit?

“Kapakanan at kaligtasan ng limang mayors, kanilang pamilya at mga kababayan para hindi mahawa ng virus,” sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi nga, bahala silang magpaliwanag tungkol sa isyu!

Abangan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with