^

PSN Opinyon

Opisyales, mas mag-ingat bago mag-post sa socmed

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAS dapat pakaisipin ng opisyales ng gobyerno ang bawat pino-post nila online. Malaki ang responsibilidad nila kaysa karaniwang mamamayan.

Kahapon tinalakay ko ang kawalan ng kritikal na pag-iisip ng maraming nagpapaskel sa social media. Marunong­ nga sila magsulat, pero kapos magsuri ng bagay o usapin bago magpasya. Mga nakapag-aral nga, pero hindi gina­gamit ang utak kundi emosyon sa publiko.

Mas mataas ang pamantayan sa opisyales. May utos sa kanila ang Konstitusyon. Ayon sa Artikulo XI, Kapana­gutan ng mga Pinunong Bayan, Seksyon 1: “Ang tiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan. Ang mga pinuno at kawaning pambayan ay kinakailangang ma­ma­laging nananagutan sa taongbayan, maglingkod sa kanila na taglay ang pinaka-mataas na pakundangan, dangal, kata­­patan, at kahusayan, manuparan na taglay ang pagkamakabayan at katarungan, at mamuhay nang buong kapakumbabaan.”

Walang puwang ang poot, abuso, kapalaluhan, kayabangan, at pag-aalipusta sa kanilang pananalita, pagsusulat, at paskel sa socmed. Hindi komo nagmumura at nambabastos ng kababaihan ang Pangulo ay maari na rin sila gumaya, May immunity sa demanda ang Pangulo habang nasa puwesto; maari siyang papanagutin pagka­tapos. Pero ang ibang opisyales ay malamang makasuhan agad.

Ehemplo ang opisyal na nag-sick leave pero nag-post ng retrato niya na naglalamyerda sa beach resort; sinuspindi siya. Isa pa ang opisyal na minura online ang overseas worker na bumatikos sa Pangulo; pinaalalahanan siya na may karapatan lahat magpahayag ng saloobin. Marami nang opisyal ng pulis na kinastigo sa pagtanggol online sa kapwa unipormado na pumatay ng mga di-armadong tao, na ang mali lang ay sumagot nang maangas. Nabisto ang kawalan-puso nila.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with