^

Hindi maliit na bagay

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2021 - 12:00am

HALOS 8,000 positibong kaso sa loob ng isang araw. Bumalik na nga tayo sa simula ng pandemya sa unang taong anibersaryo nito. Bawal muli lumabas ang mga edad 18 taong gulang pababa hanggang sa katapusan ng Marso. Sumang-ayon ang lahat ng mayor ng Metro Manila sa alitun­tunang ito dahil sa mataas na bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19.

Ipinasara muli ang mga sinehan, museo, gaming arcades at iba pa. Ilang ospital sa Metro Manila ang naa­alarma sa rami ng kaso, na ayon kay President Duterte ay “ma­liit na bagay lang”. Ganun pa man, sinigurado ng gobyerno na hindi na mauulit ang mahigpit na lockdown dahil kaila­ngang umikot na ng ekonomiya. Ibinalik naman ang curfew­ mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw ng dalawang linggo rin. 

Ayon sa ilang eksperto, ang pagbukas ng ekonomiya ang dahilan kung bakit mataas ang bilang ng kaso nga­yon. Sinisisi ang gobyerno kung bakit binuksan ang ekono­miya kahit wala pang maramihang bakuna na umaabot sa bansa. Ang lahat ng bakunang pumasok sa bansa ay ibinibigay sa health frontliners. Hindi ako magtataka kung mga malakas sa gobyerno ang nabigyan na rin kahit hindi sila sunod sa pila.   

Nagbabala naman ang OCTA na baka umabot sa 10,000 kaso kada araw sa katapusan ng Marso at baka mapuno ang mga ospital pagpasok ng Semana Santa. Ito ang grupo na madalas katunggali ng Palasyo sa paglabas ng mga pahayag hinggil sa rami ng kaso ng COVID. Pero lumalabas na mas madalas tama ang kanilang mga pahayag at babala.

Hindi ko maisip ang 10,000 kaso sa isang araw. Noong Hunyo ng nakaraang taon ay wala pang 20,000 ang kaso at wala pang 1,000 libo ang namatay. Iba na ang mga numero ngayon sa loob lamang ng siyam na buwan. Ang kasalukuyang bilang ay 663,794. Higit 12,000 na ang na­matay. Pagod na pagod na ang mga frontliners. Hindi ito “maliit na bagay lang” para sa kanila.    

Hindi mo kailangang maging eksperto para masabi na ang pagluwag ng quarantine at pagbukas ng ekonomiya ang dahilan ng pagdami ng kaso. Kapag nasa labas ka nga ay tila wala namang anumang quarantine kahit nasa ilalim pa ng GCQ. Siguro sa gabi ay mararamdaman muli ang paghigpit sa pagbalik ng curfew. Natural ang sisisihin ng gobyerno ay ang mamamayang hindi na sumusunod sa health protocols tulad ng pagsuot ng face mask, face shield, madalasang disinfection ng mga kamay at physical distancing.

Kung sa ganun ay dapat kumilos ang gobyerno para matigil ang pagdami ng mga kaso. Maglabas na ng mga gabay para sa parating na Semana Santa. Wala munang pasyalan kahit saan. Iwasan na muna ang hindi mahalagang paglabas ng tahanan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with