_ngayon
^

Sagot sa tanong kung nasaan ang bakuna at loans

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2021 - 12:00am

Sinadya kong ilabas ang discussion “as is” sa ginawang press briefing ng Malacanang noong Biyernes kung saan sinagot ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez ang mga paratang kung nasaan ang mga bakuna at ano ang nangyari sa approved loans nito. Si Presidential Spokesman Harry Roque ang moderator ng press briefing.

Mabuti nang maintindihan natin kung ano ang nangyayari sa harap ng tumataas na bilang ng COVID-19 ca-ses sa bansa at sa vaccination program ng pamahalaan:

SEC. HARRY ROQUE: Sa usaping bakuna at nagtatanong kung nasaan na ang mga ito, kasabay banggit sa vaccine funds, wala pong opisyal ng gobyerno na may access sa COVID-19 vaccine funds. Ang pagbibili ng bakuna ay of course through sa ating multi-sectoral partners tulad ng World Bank at Asian Development Bank mula pagbili procurement hanggang sa pagbayad ng mga bakuna ay ima-manage ng ating multilateral partners. Ibig sabihin po, bagama’t tayo po ay binigyan ng kumbaga credit line, iyong pag-draw down po sa credit line para sa pagbili ng bakuna didiretso po iyan sa vaccine manufacturer. So hindi po dapat magtanong na sa kanila ng mga nautang na mga salapi ay nasaan ang mga bakuna, mayroon lang po tayong approved loans at iyong mga proceeds po ng loans diretsong ibabayad po iyan sa mga vaccine manufacturers at kasama po natin si Secretary Carlito Galvez ang ating Vaccine Czar para bigyan pa ng detalye ito.

Si Secretary Carlito Galvez siguro po muna to answer the questions asked by a senator: Nasaan daw po ang mga inutang nating mga salapi dahil wala pa raw pong dumarating na mga bakuna, Secretary Galvez?

SEC. CARLITO GALVEZ: May nagsabi po na isang senator na more than 126 billion ang inutang natin, iyon po  sa vaccine, gusto lang po nating itama na ang sa vaccine po  ang naka-allocate lang po is P1.3 billion, so more or less mga 60 billion po iyon at sa ngayon po ang ating mode of payments ay kapag natapos na po iyong  tinatawag na sa supply agreements, may mode of payments po doon na kapag nagkaroon po ng tinatawag nating requirement ang ating World Bank—ang World Bank po ang requirement po niya ay dapat po  mayroon po tayong tinatawag na pre-stringent regulatory authorization from different countries like US, UK, EU, so iyon po ang requirement niya. And then also iyong ADB naman ay mayroon isang stringent requirements or mayroon siyang tinatawag na kasama siya sa Emergency Use List ng World Health Organization. Sa ngayon po ang nagka-qualify po sa ating loan ay iyong ay iyong Moderna, napirmahan na po natin iyong 13 million at iyon po ay nakasalang po sa World Bank for their further evaluation. And then wala pa po tayong ibinabayad doon, dahil kasi after pa po ng mga tinatawag na may definitive delivery na, doon po natin babayaran.

Sa ngayon po ang ano po natin sa ADB, ang nilalatag natin sa ADB ay iyong Novavax at saka po iyong ating loan sa J&J. Doon po sa mga inano po natin na mga vaccine, portfolio of vaccine, wala po tayong nababayaran pa po doon; ang nabayaran pa lang po natin ay ang Sinovac, nabayaran natin ng 15% ng 700 million pesos.  So iyon po.

And then next na ano po natin ay magkakaroon din po tayo ng, Sir Harry, ng procurement dahil most likely baka magkaroon po tayo ng EUA ng Gamaleya, lumabas po ngayong araw. So ang mangyayari po is magkakaroon tayo ng order for April na 3 million, so gumawa na po ako ng parang warming request to DOH na mag-prepare po ng more or less 1.5 billion para po doon sa tinatawag natin sa 3 million po na dosage ng Gamaleya Sputnik V. And then mag-o-order din po tayo ng additional 2 million for April doon po sa Sinovac at iyon po ay worth 1.4 billion. All in all po, mga 3.9 billion for 5 million doses, iyon po ang ano po natin.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with