^

PSN Opinyon

Gen. Francisco, ayaw nang maulit ang POGO cops!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Pinaghiwa-Hiwalay ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco ang mga magka-batch at magkaibigan sa kanyang enlisted personnel para maiwasang maulit ang POGO cops. Kaya naman ginawa ni Francisco ito mga kosa matapos mapag-aralan na ang mga sangkot sa P40 milyon at P8 milyon raket na ang mga biktima ay mga taga-POGO ay magkasanggang dikit ‘ika nga.

Ayon kay Francisco itong sina Cpl. Allan Hilario at Pat. Real Tesoro at ang dalawang pulis na nag-AWOL ay magkaibigan. Ang tig-dalawa sa kanila ay magka-batch, aniya. Itong si Hilario ay sapilitang kinuha ng nakamaskarang kalalakihan sa Binondo, habang si Tesoro naman ay sa Sta. Mesa. Hindi pa malaman kung ano ang kinahinanatnan nila. Samantalang itong dalawang AWOL cops naman ay tinanggalan na ng suweldo at iginiit ni Francisco na kakasuhan sila ng administratibo para ma-dismiss na sa serbisyo. Dipugaaaa!

Sa totoo lang, ang mga tinamaan sa aksiyon na ito ni Francisco ay ‘yung may mga ranggong corporal. Hindi naman napakadali ma-trace kung anong batch itong mga pulis subalit pinagtiyagaan talaga ng admin officer ng MPD ang trabahong ito para maiwasan na magkakaso ang mga tauhan ni Francisco, hehehe!

Umaabot sa mahigit 4,300 ang mga pulis sa MPD kaya baka maduling ang mga taga-admin na hanapin ang magka-batch, di ba mga kosa? Pero kung tutuusin, win-win itong naisip ni Francisco dahil pre-emptive ito hindi ‘yung aantayin pa niyang magkakaso ang mga pulis niya bago kumilos. Ano sa tingin mo Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar Sir? He he he! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Mismoooo!

Sa ngayon, abala si Maj. Rommel Anicete, ang hepe ng MPD criminal investigation section sa paghahanda ng mga papeles para kasuhan na ang mga POGO cops. Hindi pa mabanggit ni Francisco kung sinu-sino ang kakasuhan subalit iginiit niya na may complainant silang hawak. At dahil may complainant ang MPD, aba malakas ang kaso na isasampa nila laban sa mga POGO cops ma-administratibo man o kriminal. Dapat tumino na ang mga pulis sa MPD dahil hindi nangingimi si Francisco na i-Paco sila sa korte. Dipugaaaa! Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with