^

PSN Opinyon

Putaheng Pinoy kayang pasikatin sa mundo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAHIT saang Thai restaurant ka kumain sa mundo, pare-pareho ang lasa at presentasyon. Sadya ‘yon. Sa gan’ung paraan sumikat ang kanilang pagkain sa mga dayuhan. Napaunlad pa nila ang sakahan ng Thailand.

Nu’ng dekada-’80 tinipon ni Thai King Bhumibol sa pa­lasyo­ ang pinaka-mahuhusay na Thai chefs. Tinoka­han­ niya sila ng tig-isang katutubong putahe at pinasulat ng simpleng recipe na kayang gayahin ng madla. Merong sa pad thai noodle, tom yum soup, pandan chicken, fresh spring roll, at iba pa. Ipinakalat at pinagamit ng hari ang recipes sa mga may-ari ng Thai restaurants sa Asia, Ame­rica, Europe, Africa, at Australia. Patok agad ang resulta; dinayo ng mga dayuhan ang Thai restaurants!

Hindi huminto ru’n si King Bhumibol. Kailangan ng mga restoran ng mura pero mahusay na supply ng sangkap­. Tinipon ang mga lokal na opisyales at agriculturists. Tino­kahan ang bawat probinsiya ng tanim o sangkap na tanging­ gagawin nila: cassava o kamoteng kahoy parang gawgaw, balot sa lumpia, patis, asukal, luya, paminta, bigas, bunga at dahon ng saging, togue, manok, baboy, at isda. Ginaya ng hari ang programang one town-one product ng Japan. Ito ang ipinadala sa Thai restaurants abroad. Patok muli! Mura ang mga sangkap. Tumiba ang mga magsasaka, nagpapalaisdaan, magmamanok at baboy, processors.

Mainam tularan ng Pilipinas ang tagumpay ng Thailand.  Magkaroon lang ng parehong putahe, presentasyon at sangkap sa adobo, nilaga, embotido, pansit, longganisa, tapa, sinangag. Sisipa ang negosyo sa abroad at sa kanayunan. Makikilala sa mundo ang lutong Pinoy.

Sisig lang parehong recipe, kaya sikat ito sa lahat ng kontinente.

Simulan ng Pangulo ang proyekto. Isali ang mga embahada, tourism at agriculture officers, samahang sibika, at mga lokal na opisyal. Mas masarap ang gulamang Pilipino, maski katutubong Thai ‘yon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

FILIPINO CUISINE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user