^

PSN Opinyon

Mastermind ng POGO cops, hinuhubaran na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hinuhubaran dahan-dahan ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco ang mastermind dito sa P40 milyon extortion sa isang Chinese national ng mga pulis-Maynila ng nakaraang taon. Ayon kay Francisco, bina-validate n’ya ang sworn statements ng pitong pulis na may direct participation o may alam sa raket na pinangunahan ng isang opisyal na wala na sa ngayon sa MPD.

Kapag may sapat na ebidensiya na s’ya, iginiit ni Francisco na kakasuhan n’ya ang mastermind ng POGO cops ng grave misconduct para ma-dismiss na ito sa serbisyo at hindi na pamarisan pa. Tinitingnan din ni Francisco kung sino sa pitong pulis na may lesser participation o least guilty sa P40 milyon extortion para gagawing n’yang state witness laban sa dating opisyal ng MPD.

Tiniyak din ni Francisco na hindi ligtas ang pitong MPD cops sa kaso. Subalit hindi pa n’ya ibinunyag kung ano ang ikakaso n’ya sa mga ito habang hinihimay pa ng kanyang mga imbestigador ang statements nila na isinumite kay Maj. Rommel Anicete, ang hepe ng MPD criminal investigation section. Dipugaaaa! Hehehe! Dapat ng mahubaran ang lahat ng sangkot sa kaso at tigbakin na, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sinabi ni Francisco na itong tropa ni Anicete ay abala sa ngayon sa pag-trace ng mga ari-arian at sasakyan ng mga POGO cops para makumpiska ang mga ito pabor sa gobyerno ni President Digong. Kasama sa bina-background check ni Anicete ang pamilya nina Cpl. Alan Hilario at Pat. Real Tesoro, na dinukot ng nakamaskarang armadong kalalakihan sa Binondo at Sta. Mesa kamakailan.

Hindi muna ibinunyag ni Francisco ang mga natuklasan ni Anicete hanggang wala pa silang kaso na naisampa laban sa mga POGO cops. Ang iginiit lang ni Francisco ay ibang players ang gumawa ng P40 milyon extortion sa P8 milyon robbery sa Pasay City nitong Pebrero lang. Kaya’t tiniyak ni Francisco na masyadong busy sa ngayon ang mga imbestigador ni Anicete para malutas ang mga kaso laban sa POGO cops alinsunod sa internal cleansing program ni PNP chief Gen. Debold Sinas. Dipugaaaaa!

Sa kaso ng P40 milyon extortion, inutusan pala ng mastermind ang kanyang mga tauhan na hulihin ang Chinese national dahil drug personality ito. Napansin lang ng mga pulis na may dalawang malalaking bag na ipinasok sa opisina ni Sir at ilang sandali lang inambunan na sila ng pitsa. Abangan!

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with