^

PSN Opinyon

Kaso ng COVID sa Cavite, tumaas dahil sa jueteng ni John Yap!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

TUMATAAS ang kaso ng COVID-19 sa Cavite at sinisisi ni Gov. Jonvic Remulla ang mga ahensiya ng gobyerno ni President Digong. Sa kanyang post sa social media, iginiit ni Remulla na: “The people need ACTION. The Filipinos need LEADERSHIP. We desperately need SOLUTIONS.”

Sinabi pa ni Remulla na ang bansa ay kailangan ng lider bago maging huli ang lahat dahil sa biglang pagbulusok ng kaso ng COVID-19 sa Pinas, maging sa kan­yang probinsiya. Dati-rati ang kaso ng COVID-19 sa Cavite ay 9-15 lang subalit nitong nagdaang mga araw, lomobo ito sa 60-130 cases, ani Remulla.

Hinikayat ni Remulla ang LTO, DoTr, DA, DTI, at DOH na kumilos at pigilan ang pagtaas ng pamasahe, presyo ng baboy at manok at ang agarang pag-distribute ng bakuna. Inamin ni Remulla na nais niyang bigyang solus­yon ang mga problemang dala ng COVID subalit ang national go­vern­­ment lang ang makaa-address ng sitwasyon sa ngayon.

Sa napakaraming probinsiya sa Pinas si Remulla lang ‘ata ang nagrereklamo, ano mga kosa? Eh ang buong mundo naman ang nakararanas ng pandemya at hindi lang ang Cavite, at bakit nagpuputak si Remulla? May pulitika kaya sa paninisi ni Remulla sa gobyerno ni President Digong? Dipugaaaaa!

Hindi dapat maghugas-kamay si Remulla sa problemang dala ng COVID dahil sa tingin ng mga kosa ko may pagkukulang din siya. Binasbasan ni Remulla ang jueteng ni John Yap at ang Small Town Lottery (STL) ng Top Gem kaya hayun, isa ito sa naging dahilan sa pagtaas ng COVID.

Kasi nga ang mga kubrador ng STL at jueteng ay guma­gala sa kalye upang mangalap ng kapiranggot na taya. Siyempre, may ilang kubrador na hindi pinaiiral ang health protocols ng DOH tulad ng social distancing, at wearing of face mask at face shield kaya mabilis ang pagkalat ng virus, ‘di ba Usec. Ma. Rosario Vergeire Mam?

Minsan kasi, magsalamin ka rin Gov. Remulla Sir para makita mo ang katotohanan na kasama ka rin sa dapat sisihin sa pagtaas ng COVID sa Cavite. Ayon sa mga kosa ko, inuna ni Remulla ang pitsa kaysa kaligtasan ng mga kababayan niya sa virus. Dipugaaaaa!

Para bumaba ang COVID sa Cavite, iginiit ng mga kosa ko na dapat ipasara ni Remulla ang jueteng ni John Yap at ang STL para ang mga kubrador ay stay at home na at wala nang makapitan ang virus! Dipugaaaa! Abangan!

JONVIC REMULLA

JUETENG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with