^

PSN Opinyon

Mapait na katotohanang nilantad ng pandemya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sang-ayon ako sa sinasabi ng mga positibista tungkol sa pandemya. Nakita nila ang mga magaganda, maliliwanag, at nakatutuwa. Imbes na magmukmok tungkol sa kamatayan, kahirapan at pighati na dulot ng COVID-19, ibinandila nila ang kabilang panig. Nabatid ng tao, anila, ang tatag ng sarili, malasakit sa kapwa, at tiwala sa Diyos. Totoo ‘yon.

Pero meron din tayong mapait na katotohanang mas na­batid nitong pademya. Hindi pagiging negatibo ang pagdidiin nito.

Nakita natin ang lawak ng agwat sa pagitan ng nag­ha­haring politiko at ng ordinaryong mamamayan. Demokrasya lang tayo sa salita ngunit elitistang sistema sa gawa. Nilantad nang husto ito ng pandemya.

Nalimutan na sana ang kaibahan ng malakas at mahina, mayaman at mahirap. Akala natin wala nang uri sa lipunan­ dahil sa pagka-pantay-pantay na dulot ng telekomunikasyon. Naisip natin na, dahil nasasabi natin ang saloobin sa social media, ay patas ang mga karapatan at oportu­nidad ng lahat. Dahil inaaksiyunan ng mga opisyales ang sama-sama nating mga petisyon, akala natin may lakas ang taumbayan.

Mali! Ano ang ipinamalas sa atin ng mga elitistang politiko sa simula pa lang ng pandemya? Hindi ba’t sinolo nila at mga kaanak ang 2,000 lang na mamahaling RT-PCR test kits na binili ng gobyerno? Hindi ba’t ninegosyo nila ang pag-angkat ng personal protective equipment na ibinenta sa gobyerno nang labis-labis ang tubo; ehemplo, P10-face shield na itiningi nang tig-P500. Hindi ba’t na­una pa ang mga pulitiko sa pagbabakuna, imbes na me­dical frontlines, matatanda, sakitin, at buntis? At habang naka-lockdown at curfew ang lahat, hindi ba’t nagka-karaoke sa mataong bar at pumapasyal sa tourist resorts ang mga opisyales?

Kapag mawalan ng gana ang tao sa mga elitista, wala ring makukubrang buwis. Walang pagkukunan ng pera ang mga politiko.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with