^

‘No vaccine, no work’ karumal-dumal

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Ang panukala ng mga employers na huwag payagang makapasok ang mga manggagawa na hindi nabakunahan laban sa COVID-19 ay paglabag sa karapatan ng mga tao.

Buti na lang at ito’y tandisang tinutulan ng Malacañang na nagsabing ang pagpapabakuna ay hindi dapat gawing sapilitan. Kahit pa may pandemia, hindi dapat saklawan ng gobyerno o kahit sino ang karapatang magdesisyon ng mamamayan kung magpapabakuna o hindi.

Sinabi mismo ng Pangulong Duterte na dapat gala­ngin ang karapatan ng bawat indibiduwal na magpasya kung magpapabakuna o hindi dahil kalusugan nila ang isyung nakapaloob dito.

Sa ngayon, marami na, lalo na sa mga frontline health workers ang nagpapabakuna ng Sinovac, kahit pa marami ang agam-agam at pangamba sa naturang bakuna na gawa sa China.

Isa pa, may mga taong posibleng magkaroon ng hindi magandang epekto ang bakuna dahil sa naturalesa ng kanilang katawan. Hindi maiaalis na dahil dito ay magkaroon ng pangamba ang mga mamamayan sa pagpa­pabakuna.

Kahit pa sinasabing singkuwenta porsyento lang ang bisa ng Sinovac, mayroong mga taong gustong magpabakuna dahil mas mabuti raw na mayroon kahit kaunting proteksyon kaysa wala.

COVID-19 VACCINE EMPLOYER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with