^

PSN Opinyon

Jueteng ni John Yap sa Cavite, may kakumpetensiya na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nagkagulo ang tabakuhan sa probinsiya ni Cavite Gov. Jonvic Remulla dahil biglang nagbukas ang Small Town Lottery (STL) ng Tom Gem. Kaya hilung-talilong sa ngayon ang jueteng financier na si John Yap at management na si Jun Alvaran alyas Jun Moriones dahil may karibal na ang negosyo nila. Halos isang linggo nang bomobola ang Top Gem kaya’t dahan-dahan din nitong kakainin ang kubransa nina Yap at Alvaran, ‘di ba mga kosa?

Kung magulo man ang tabakuhan sa Cavite, aba nakangiti naman si Gov. Remulla dahil doble grasya na ang tatanggapin niya. Kahit sinong Herodes ang tatanu­ngin, walang maniniwala na hindi namantikaan ang bibig ni Remulla kina Yap at Top Gem. Siyempre, humahabol sa grasya sina Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad at Cavite police director Col. Marlon Santos. Dipugaaaa!

Kung sabagay, bagyo sina Yap at Alvaran kay Remulla. Kasi nga, matapos matantiya ng mga LGUs na hindi saklaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang palaro nina Yap at Alvaran, aba pinalitan sila ni Jun Marasigan, ang jueteng financier ng Batangas. Maging si PCSO General Manager Royina Garma ay itinatwa ang palaro nina Yap at Alvaran. Subalit matapos ang ilang araw, aba bumalik sa ere ang jueteng nina Yap at Alvaran at natural lang na may basbas na ito nina Remulla, Natividad at Santos, ‘di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Itong Top Gem naman ay matagal nang may prangkisa ng STL sa Cavite subalit napahinto ng PCSO dahil hindi nagbayad ng utang. Kaya nagulat ang mga kosa ko nang biglang bomola rin ang mga ito at wala pang anunsiyo si Garma kung nagbayad na ito ng milyones na pagkakautang. Sa isang banda naman, sa pagkaalam ng mga kosa ko, kapag may palaro na sa isang probinsiya, ayaw ni Garma na magkadoble sila dahil sa sobrang dib­diban­ ng kumpitensiyahan kadalasan nauuwi sa patayan. Dipugaaaaa!

Kung panalo sina Remulla, Natividad at Santos sa dalawang bangka ng sugal sa Cavite, ang talo ay ang mga kubrador at kabo dahil tiyak nasa kalsada sila para mangalap ng taya sa panahon ngayon na tumataas ang dinadapuan ng COVID-19. Kapag tinamaan ng virus kaya ang mga kubrador at kabo sa Cavite ay sasaluhin nina Yap at Top Gem ang gastusin sa ospital? T’yak hindi, di ba mga kosa? Kawawang taga-Cavite! Abangan!

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with