^

PSN Opinyon

Huwag nang mamili ng bakuna

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nakababahala ang muling paglobo ng mga tinata­maan ng COVID-19 sa Pasay City at sa Maynila. Sa ka­salukuyan 72 barangays sa Pasay ang naka-lockdown matapos tumaas ang bilang ng mga nagka-COVID. Kung hindi maghihigpit sa Pasay, marami ang malalagay sa panganib at siguradong sadsad na naman ang kanilang pamumuhay. Kaya sa mga taga-Pasay, kung nais ninyong makabalik sa normal na pamumuhay, sumunod kayo sa health protocol upang mapigilan ang paglaganap ng virus sa inyong lugar.

Sa kasalukuyan, umaayuda na ang taga-Department of Health sa pagkalinga sa mga nahawahan ng COVID at sa panibagong COVID variant na nakapasok sa Pasay. Kaya dapat limitahan ng mga taga-Pasay ang paglabas ng tahanan at makipagkumpulan sa matataong lugar para hindi kumalat ang COVID. Kahit na sangkaterbang pulis ang ipinakalat sa Pasay ay marami pa ring mati­tigas ang ulo na lumalamyerda sa kalye.

Sa Maynila, tumaas din ang mga tinamaan ng COVID sa kabila nang mahigpit na tagubilin ni Mayor Isko Moreno. Kaya may panawagan siya sa Manileños na sundin ang health protocol. Magsuot ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay. Kahit na dumating na ang mga bakuna hindi pa dapat na maging kampante ang lahat.

Tanging health workers pa lamang ang nababaku­nahan dahil sila ang frontliners. Kung noon ay kinatatakutan ang bakunang SinoVac dahil mababa ang kalidad nito kung uuriin, ngayon ay maraming opisyales na ng pamahalaan at maging ang mga doctor ang nagpaturok.

Ang mga umaayaw sa Sinovac ay may pagkakataon pa naman na magpaturok ng bagong dating na AstraZeneca ng United Kingdom ngunit limitado lamang ito dahil kaunti lang ang dumating. Noong Huwebes dumating ang 487,200 doses ng AstraZeneca. Kung hahati-hatiin ito sa nais na magpaturok tiyak na iilan lamang sa mga health workers ang makakatikim ng may kalidad na bakuna.

Kung inaakala ninyo na naging mabuti naman ang kalagayan ng mga naunang tinurukan bakit hindi magpaturok Sinovac. Malaking bagay ito na makaligtas tayo sa pagkahawa ng COVID. Mabuti pa ang China, dumarating agad ang bakuna at napapakinabangan kayaa naman umasa sa mataas nga ang kalidad subalit katiting naman ang naibabahagi sa mamamayan.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with