^

Kung sa akin ka inireklamo, hindi kita sasantuhin!

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Mukhang may problema sa lohika ang dating ambassador ng Pilipinas sa Brazil na si Marichu Mauro. Tila gusto niyang bigyan ng dahilan ang pang-aabusong ginawa niya sa kasambahay.

Kinukuwestiyon niya ang desisyon ni Pres. Rodrigo Duterte na siya’y sinibak sa puwesto’t hindi na maaaring magtrabaho pa sa gobyerno. Isa-isahin natin ang kanyang sinasabi:

Una, hindi raw tama ang proseso ng paglilitis sa kanya. Dapat daw ay dumaan muna ito sa Ombudsman at doon siya hahatulan.

Ikalawa, hindi raw isinama sa testimonya ang mga kabutihan niyang nagawa para protektahan ang mga over­seas Filipino workers (OFWs) sa Brazil.

Ikatlo, hindi man lang daw nabigyan ng kredito ang mga kapaki-pakinabang na ginawa niya sa ibayong-dagat, bagkus ay pinalaki lamang daw ang isyu ng CCTV video ng kanyang pananakit.

Aba’y ang ibig mo bang sabihin, UTANG NA LOOB naming mga Pilipino na ginawa mo ang iyong trabaho?!

Sinasabi mo bang biased ang desisyon ng Presidente ng Pilipinas na nag-appoint sa’yo?

Kung ipinagmamalaki mo ang pagganap mo sa res­ponsibilidad mo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Brazil – trabaho mo ‘yan!

There is oppression, grave abuse of your position, at conduct unbecoming of an official sa videong napanood ng publiko. Hindi iyon asal ng isang matinong tao.

Napahiya tayo sa buong mundo at ikinahihiya ng mga Pilipino ang pagiging malupit mo sa kapwa Pilipino.

Ang inaasal mo ngayon, walang pinagkaiba sa mga lumalakad nang paluhod sa simbahan pero sadista’t ugaling demonyo sa loob ng bahay.

Sana’y inamin mo na lang na ika’y nagkamali, humingi ng tawad at nagsabing baka kailangan mo ng tulong.

Halimbawa ay kung may problema ka sa anger management – baka bigyan ka pa ng konsiderasyon ng Presidente.

Kung ang kasambahay mo ay nagreklamo sa amin sa BITAG Pambansang Sumbungan, hindi kita sasantuhin kahit ambassador ka pa.

O baka naman nakukulangan ka pa sa desisyon ni President Duterte? Gusto mo ba samahan ng kulong?

Eh di dalhin mo kung saan mo gusto. Dami mong kiyaw-kiyaw, LOL (laugh out loud)!

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with