^
EDITORYAL - Tiwala sa bakuna tumataas na

EDITORYAL - Tiwala sa bakuna tumataas na

(Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

Unti-unti nang nawawala ang pagdududa at pangamba sa Sinovac. Unti-unti nang tumataas at marami na ang gustong magpabakuna. Kahapon, nadagdagan pa ang mga gustong magpabakuna, gamit ang Sinovac na dating inaayawan dahil sa mababang efficacy rate. Halimbawa ay sa Philippine General Hospital (PGH), nadagdagan nang mahigit 100 ang health workers na nagbakuna kahapon. Ngayong araw ay inaasahang madaragdagan pa ang mga magpapabakuna. Noong Lunes, nasa 180 lamang ang nagpabakuna at noong Martes ay uma­bot na sa 383 ang nagpabakuna.

Ayon kay UP-PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, marami sa mga frontliner ang nagpabakuna makaraang mapag-aralan ang datos ng Sinovac. Nalaman nila na mabisa ang bakunang ito laban sa matinding epekto ng COVID-19. Bago ang pagdating ng bakuna, mataas ang porsiyento ng mga gustong magpabakuna pero nang malaman na Sinovac ang ituturok sa kanila, sumadsad sa 13 por­siyento mula 92 porsiyento ng health workers ang nag-backout. Katwiran nga ng mga nag-backout ay dahil sa mababang efficacy rate ng bakuna mula China.

Sa ibang ospital sa Metro Manila gaya sa Tala Hospital, nadagdagan din ang mga health workers na nagpabakuna. Ito umano ay ‘yung mga dating nag-backout pero nang malaman na mabisa ang Sinovac, nagdesisyon na silang magpabakuna. Sa Lung Center of the Philippines ay tumaas din ang bilang ng health workers na gustong magpaba­kuna. Inaasahan naman na magiging matagumpay ang rollout ng bakuna sa mga probinsiya gaya sa Davao at Cebu. Kahapon, natanggap na ng mga ospital sa probinsiya ang nakalaan sa kanilang dosis ng Sinovac.

Isa sa mga nagpataas ng kumpiyansa sa bakuna ay ang ipinakitang pagpapaturok ng mga pinuno ng ospital at iba pang government officials. Sila ang naging halimbawa kaya nawala ang pagdududa ng health workers. Halimbawa ay ang ginawa ng hepe ng PGH na si Dr. Gerardo Legaspi na unang nagpabakuna sa harap nang maraming health workers. Naging halimbawa rin ang iba pang pinuno ng ospital gaya sa V. Luna Medical Center at Lung Center of the Philippines.

Kapag nanguna ang mga pinuno, mawawala na ang takot at pangamba ng mamamayan. Nararapat magbigay ng halimbawa para tumaas ang tiwala sa bakuna.

SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with