^

Walang mali?

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

Wala namang maling ginagawa ang administrasyong ito, hindi ba? Wala namang mali na tila kalakal ang turing­ sa ating mga nurses nang magpahayag ang Department­ of Labor and Employment (DOLE) – sa lahat pa ng ahen­siya – na ipagpapalit daw ang ating mga nurses para sa bakuna mula UK at Germany.

Ganyan na lang ba ang tingin ng DOLE sa ating mga nurses? Hindi ako sigurado pero hindi ba ito halimbawa ng human trafficking? Sumegundo pa nga ang Palasyo na “bakit hindi?” Ngayon, dahil sa matinding batikos na inabot ng DOLE, naglabas ng pahayag na hindi nila inten­syon ang ituring na kalakal ang ating mga nurses. Itinanggi pa ni DOLE Sec. Silvestre Bello ang alok na iyan. Sino pala ang nag-alok na sumang-ayon pa ang Palasyo? At kung handa nga silang ipagpalit ang mga nurses para sa bakuna, ibig bang sabihin ay wala pang makuhang bakuna ang gobyerno kaya ganyan na lang ang alok?

Wala rin daw mali sa ginawa ni Special envoy to China Ramon Tulfo na nagpabakuna ng Sinopharm na inamin niya mismo ay ilegal na ipinasok sa bansa, at nais pa raw niyang maging distributor nito. Wala raw mali roon at hindi raw conflict of interest sa pagiging opisyal niya ng gobyerno ang nais na maging distributor.

Kahit may paalala ang Civil Service Commission sa lahat ng empleyado ng gobyerno na hindi sila “above the law”, wala sa kanya iyan. Paano nga magiging mali iyan eh ang buong Presidential Security Group (PSG) nga nabakunahan nang ilegal na ipinasok sa bansa at walang­ pahintulot ng FDA? Pero dahil nagsalita na si President Duterte ay wala nang nangyari sa imbesti­gasyon. Iimbes­tigahan daw ng FDA si Tulfo. Good luck na lang.

Samantala, hindi raw maintindihan ni Duterte ang rekomendasyon ng FDA na huwag bakunahan ng Sinovac ang mga frontliners na madalas humaharap sa mga positibo para sa COVID-19. Ito ay dahil daw sa mababang efficacy rate na 50.4% lang. Kung ganyan lang ang efficacy rate ng bakunang iyan, maglalakas loob ka bang makasalamuha ang mga positibo para sa COVID-19 araw-araw?

Dapat siguro gumawa ng pagsusuri ang Palasyo at tanungin ang mga frontliners kung okay na sa kanila ang 50.4% na bakuna. May lumabas na ngang pagsusuri kung saan 46% ang hindi handa o ayaw magpbakuna at 19% lang ang may gusto. Ito ang dapat matukoy ng gobyerno, ang tiwala sa bakuna. Kung ganyan pa karami ang ayaw magpabakuna, hindi lubusang mawawala ang peligro ng COVID-19 sa bansa.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with