^

Mabisang information drive ang kailangan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Anang Pangulo Duterte, magdedeklara siya ng Mo-dified general community quarantine kapag available na ang mula 20 hanggang 40-milyong doses ng inangkat na bakuna laban sa COVID-19. Sa ngayon kasi, 600 libong doses lamang na Sinovac na donasyon ng China ang available.

Ngunit anong silbi kahit tambakan man tayo ng supply ng bakuna kung marami ang natatakot dahil sa mga bali-balitang masamang epekto nito partikular sa mga senior citizens? Ang siste, ang mga matataas na opisyal pa ng gobyerno ang pinagmumulan ng mga negatibong impormasyon dahil sa kanilang attitude sa pagtanggap ng vaccine.

Sa halip na mahikayat, ang mga matataas na opisyal mismo ng pamahalaan, kasama ang Pangulo ang ayaw pang magpabakuna dahil hinihintay pa raw ang bakunang angkop sa kanila. Ano iyan, double standard?

Itong si Health Secretary Duque ay ayaw ding pa-ngunahan ang hanay ng mga tatanggap ng bakuna sa dahilang senior citizen na raw siya. Tapos ang ipinagtutulakang manguna sa pagpapabakuna ay ang kanilang political nemesis na si VP Leni Robredo.

Sila-sila mismo ang umaayaw sa Sinovac vaccine na mula sa Tsina na binigyan nila ng prayoridad para magamit sa Pilipinas. Sa nakikitang ganito ng taumbayan paano sila magkakaroon ng kumpiyansa na mabisa nga ang bakunang ipinagsisiksikan sa kanila ng pamahalaan?

Para sa Pangulo, payo raw ng kanyang doctor na dahil sa kanyang edad na malapit nang pumalo sa otsenta, hindi raw angkop sa kanya ang Sinovac na tila hindi mainam sa mga katandaang nasa lebel ng kanyang edad. Scare campaign ang nangyayari ngayon imbes na hikayatin ang taumbayan na magpabakuna na. Tapos, sinabi pa ng Pangulo na ang mga edad 70 pataas ay ayaw nang magpabakuna porke nalalapit na ang kanilang wakas.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with