^

Pangalawang bakuna tandaan, pero huwag paghaluin ang uri

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

PASPASANG sinaliksik, tinesting, at inaprubahan ang mga bakuna kontra COVID-19. Maaring may masasamang dulot sa katawan. Maaring hindi ito maramdaman o malaman agad.

Pero desperado ang lipunan at mga indibiduwal na maturukan. Dapat nang makabalik sa normal na buhay at trabaho. Tinitimbang natin ang maaring adverse effects at ang pangangailangan lumabas mula sa isolation. Ina­aral natin ang kaligtasan at efficacy. Sa maraming lugar sa Pilipinas, walang mapagpilian kundi ang binili lang ng gobyerno.

Hindi komo nabakunahan tayo ay hindi na tayo maiimpekta ng coronavirus, anang mga espesyalista. Ang bakuna ay para huwag lang tayo tablan nang malubha o severe na pagkahawa na kakailanganing maospital. Kung tamaan man tayo ay mild to moderate lang. At sana tuma­­lab sa mga bagong strains o variants ang immunity na idudulot ng bakuna. Wala itong pinagkaiba sa mga flu ino­culants. Maari pa rin tayo tamaan ng luma o bagong flu virus, pero sana sinat lang.

Karamihan ng bakuna ay dalawang turok. Dalawa o tatlong linggo ang pagitan, pero anang mga eksperto mas mainam kung dalawa hanggang limang buwan. Kung gan’un katagal ang pagitan, makakapag-ipon at maka­ka­pag­hintay para sa pangalawang turok.

Pero huwag kaligtaan ang pangalawang dose. Kasi kung wala ‘yon malamang na hindi gumana sa atin ang buong efficacy. Halimbawa, imbes na 90% ay 45% lang. Kulang sa proteksiyon.

Huwag din paghahaluin ang uri at tatak. Dalawang uri ang bakuna. Una ang messenger-RNA; gan’un ang Pfizer at Moderna. Ikalawa ang inactivated virus; gan’un ang AstraZeneca at ang mga gawang China at Russia. Dapat kung ano ang unang itinurok, mRNA ng Pfizer o inactivated virus ng AstraZeneca, ‘yon din ang pangalawa. Muli, kailangan gan’un para buo ang efficacy. Babala ng mga dalubhasa na maaring malala ang adverse effects kung maghalo.

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with