^

Umarangkada na ang bakuna

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

KAHAPON umarangkada na ang pagbakuna ng CoronaVac sa frontliners bilang pagtalima sa kautusan ni Pres. Rodrigo Duterte. Bagama’t marami ang nag-aalinlangan sa CoronaVac na gawa ng Sinovac ng China, dahil 50.4% lamang ang efficacy rate nito, hindi ito naging had­lang dahil pinangunahan ng mga matataas na opisyal ng pa­ma­halaan ang pagpapaturok gaya ni vaccine czar Carlito Galvez.

Subalit si Department of Health secretary Francisco Duque III ay hindi nagpaturok dahil ang edad ay 64. Ang matuturukan lamang ngayon ng bakuna ay mula 18 hang­gang 59 years old. Kasi siya ang nagturok ng bakuna sa frontliners sa Lung Center sa Quezon City. Hindi ito papogi points ni Duque dahil obligasyon niya na pangunahan ang pagturok ng bakuna.

Kaya ang mga bata pang opisyales ni Duterte ay walang kiyemeng nagpaturok ng CoronaVac katulad nina Presidential Spokesman Harry Roque at Metro Manila Deve­lopment Authority chairman Benhur Abalos na ginanap sa Philippine General Hospital (PGH). Sa unang arangkada ng pagbakuna ay nabiyayaan ang Quezon City, Manila at Caloocan.

Bahagi pa lamang ito sa 600,000 doses vaccine na ibi­nigay ng China. Sa mga susunod na mga araw ay tuluy-tuloy na ito sa Metro Manila at sa Davao City. Kaya ma­rami ang nagpapasalamat sa bakunang ito dahil tinupad ng China ang pangakong tulong kay Digong, ‘di tulad ng mga mayayamang bansa na nag-uurong-sulong pa hang­gang ngayon kung bibigyan tayo ng biniling bakuna sa kanila.

Subalit ang nagkapagtataka lamang ay kung bakit ka­ilangan pang magprotesta ang health workers sa harapan ng Lung Center. Dahil ba mababa ang kalidad ng bakunang ibinigay ng China? O baka naman ipinakikita lamang nila kay Duque na hindi sila kumporme sa bakuna ng China?

Puwede naman silang mamili ng nais nilang bakuna, iyon nga lamang ay maghihintay sila kung kailan ito ipagkakaloob ng mayayamang pharmaceuticals. Katas lang ito ng inutang natin sa World Bank kung kaya maghintay-hintay tayo kung kalian bibiyayaan ng bakuna.

Subalit ngayon na nariyan na mismo sa harapan ang Coronavac na ginarantiyahan naman ng Food and Drug Administration, nasa inyo na ang desisyon kung magpapaturok o hindi. Sa mga naunang nabakunahan, dapat obserbahan it ng maigi. Abangan.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with