^

Cha-Cha hindi napapanahon

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Nu’ng Hulyo 2018 sinumite ng Consultative Commission­ kay Presidente Rody Duterte ang mga panukalang rebis­yon ng Konstitusyon. Limang buwan ‘yon pinagpuyatan ng 22 dalubhasa. Pinamunuan sila nina dating Chief Justice­ Reynato Puno at dating Senate President Aquilino Pimentel­ Jr. Detalyado ang pagbago sa federal mula sen­tra­lisa­dong gobyerno. Maselang bahagi rin ang depinisyon ng political dynasty. Ipagbabawal ang sabay-sabay o sunud-sunod na pagkandidato ng mag-asawa, magkapatid, anak, magulang, apo, lolo at lola. Makakalahok na sa wakas sa halalan ang mga hindi dugong bughaw na elitistang pulitiko.

Dalawang linggong inaral ni Duterte ang draft. Ibinigay niya ito sa Kongreso para talakayin bilang Constituent Assembly. Kung 75% ang papabor, ipaparatipika sa plebi­sitong bayan ang bagong saligang batas.

Hindi inaksiyonan ng Kongreso ang draft. Nu’ng Halalan 2019 marami sa mga mambabatas ang muling in-elect o nakipag-rigodon sa mga kamag-anak. Tuloy ang poli­tical dynasties.

Ngayon, 15 buwan bago ang Halalan 2022, nagsisi­ngit ang mga mambabatas ng Constituent Assembly. Dapat daw luwagan ang mga limitasyon sa Konstitusyon sa dayuhang puhunan. Ito raw ang paraan para makabangon ang ekonomiya mula sa pandemya.

Kahina-hinala ito, ani Fr. Ranhilio C. Aquino, isa sa 22 dalubhasa. Aniya, kung binalewala nila ang produkto ng limang buwan ng esklusibong pagrebisa ng Konstitusyon, paano nila isisingit ang anumang amyenda sa trabaho nila ng pagpasa ng batas? Tama si Fr. Aquino, dean ng San Beda University Graduate School of Law at vice president ng Cagayan State University.

Puro bakasyon ang Kongreso; ilang araw lang magsesesyon sa nalalabing 15 buwan. Daan-daang panukalang batas ang nakasalang. Hindi mapag-iisipan nang sapat ang Konstitusyon. Nakakaduda tuloy ang biglang pag-aapura nila ng amyenda. Baka palawigin lang nila ang sarili sa puwesto, tapos i-fast break ang plebisito. Makasarili!

CHARTER CHANGE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with