^

Ready na sa bakuna

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Habang sinusulat ko ang column na ito kahapon, ina­abangan ng bansa ang pagdating ng malaking supply ng Sinovac anti-COVID vaccine at sa araw na ito, inaasahan­ naman ang pagdating ng may kalahating milyong doses ng AstraZeneca.

Matagal ding umani ng pagbatikos ang pamahalaan dahil sa sobrang pagkabinbin ng pagdating ng inangkat na bakuna gayung sa ibang higit na mahirap na bansa gaya ng Bangladesh ay nasimulan na ang mass vacci­nation. Better late that never, wika nga.

Kontrobersyal ang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac mula sa China dahil sinasabing hindi ito mabisa at hindi dapat iturok sa mga senior citizens at health workers na mas malaki ang tsansang kapitan ng virus. Mis­mong mga awtoridad sa kalusugan ang nagsasabi niyan kaya naman ang ganitong pahayag ay nagbibigay ng pangamba sa ilang kababayan natin.

Tapos, biglang kakambiyo ang pamahalaan at sasa­bihing puwede na itong gamitin sa mga medical front liners­. Sa ngayon, marami pa ring natatakot tumanggap ng bakuna bagama’t sa ibang bansa ay todo-rollout na ito at walang pagtutol ang mga mamamayan.

Sa halip na magkaroon ng malawakang info campaign para mahimok ang taumbayan na magpabakuna, pulos tungkol sa negatibong epekto ng vaccine ang ikinakalat. Hindi naman puwedeng sisihin ang media dahil ang inilalathala nito ay ‘yung mga pahayag ng mga opis­yal ng pamahalaan mismo na nagbibigay ng salu-salungat na pahayag.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with