^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Drug syndicates ang nakinabang

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Drug syndicates ang nakinabang

Walang ibang nakinabang sa enkuwentro ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) kundi mga sindikato ng droga. Habang maraming customer ang na-trauma sa nangya-ring barilan sa pagitan ng PDEA at QCPD, noong Miyerkules ng gabi sa parking lot ng isang mall sa Commonwealth Avenue, nagsasaya naman sa kagalakan ang drug syndicates. Paano’y hindi sila nasaling ng mga alagad ng batas.

Apat ang namatay sa sinasabing misencounter ng PDEA at QCPD. Sa halip na ang mga sindikato ang malagasan, mga operatiba ng gobyerno ang namatayan at nagdulot pa ng grabeng takot sa mall goers at mga kumakain sa fast food chain. Nang bumugso ang mga putok, hindi malaman ng mga tao kung saan magtatago. May nagtago sa ilalim ng mesa at ang karamihan ay nagtago sa comfort room. Isang buntis ang takot na takot at nahirapang magtago.

Nakakaawa rin ang mga may-ari ng sasakyan sapagkat hindi nila malaman kung sino ang papanagutin sa pagkabutas-butas ng kanilang mga sasakyan na nasa parking lot ng fast food chain. Sabi ng mga customer, nagtungo sila roon para kumain pero bala pala ang sasalubong sa kanila. Nahihintakutan na nga raw sila sa nangyayaring pandemya ay ito palang misencounter ng mga alagad ng batas ang papatay sa kanila sa takot.

Hanggang ngayon wala pang malinaw na paliwanag ang PDEA at ang QCPD kung bakit nangyari ang barilan. Ang sinasabi ng bawat panig, lehitimong buy bust operation ang ginawa nila kaya sila naroon sa lugar. Sabi ng QCPD ang mga taga-PDEA ang unang nagpaputok. Sabi naman ng PDEA, lehitimo ang kanilang operasyon. Sabi ni PDEA Director Wilkins Villanueva, mapaparusahan ang nagsimula ng kaguluhan. Handa sila sa imbestigasyon.

Pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyaring barilan. Ipapatawag naman ng Senado ang PDEA at QCPD sa isang pagdinig..

Sa nangyaring ito, ang drug syndicates ang lubos na nakinabang. Sila ang humahalakhak ngayon at ang mamamayan ang naiwang nahihintakutan. Takot na ang namamayani sa kanila dulot ng pandemya, at ngayon, nagdulot naman ng pangamba ang barilan ng mga ahente laban sa droga.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with