_ngayon
^

Muling pagbubukas ng Samal Island resorts

DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

May isang taon na ring nakasara ang mga beach resorts sa Island Garden City of Samal dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Mahigpit kasing pinairal ng local government ng Samal Island ang health protocols upang maiwasan ang patuloy na spread ng COVID-19 sa isla dahil nga nagkaroon na sila ng may mangilan-ngilang kaso ng naturang infection.

Kahit na abot-tanaw ang Samal Island na paborito naming puntahan upang magtampisaw sa dagat, wala kaming magawa kundi tingnan na lang ang isla.

At ngayong linggo lang, pinayagan na ng Inter-Agency Task Force against Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na muling magbukas ang 50 sa may higit 160 na beach resorts sa Samal Island.

Pupuwede na silang muling tumanggap ng mga guests at labis naman itong ikinagalak lalo na ng mga taga Davao City at karatig na probinsiya,

Naging welcome development din ito sa mga resorts na pinayagan silang muling magbukas dahil malaki na ang kanilang lugi dahil sa paghinto ng kanilang operation sa ilang buwan.

Asahan na ang muling pagdagsa ng mga beach-goers dahil matagal na nilang gustong maligo sa dagat!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with