^

PSN Opinyon

‘Holdap me’ sa 7 Eleven, nabuking ni General Francisco!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Naiiba ang modus operandi ni Mary Grace Gutierrez, 36, na sana ay kumita siya ng P4,346,434 kung nakalusot ito kay Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, director ng Manila Police District. Pinalabas kasi ni Gutierrez na naholdap ang kanyang franchise na 7 Eleven su-balit sa masusing paniniktik ni Francisco, lumabas na “holdap me” ito. Sa panahon ng pandemya sa ngayon, talagang mahirap kumita ng pera dahil nalulugi na ang kanyang negosyo, aba naisipan ni Gutierrez ang modus na “holdap me.”

Nakalimutan ‘ata ni Gutierrez na batikang imbestigador si Francisco at sa tulong pa ng CCTV na pinakabit ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa lahat ng barangay, aba nabisto ang raket ni Gutierrez na kinasuhan ng qualified theft sa City prosecutor’s office kasama ang mga kasabwat na sina Gary Valenzuelas, 40, sales clerk at Ronald Tayco, 39, isang pedicab driver. Dipugaaaaa!

Sinabi ni Gutierrez na ang kanyang 7 Eleven na matatagpuan sa FEU C.M. Recto sa Sampaloc ay pinasok ng holdaper noong Feb. 17, tinutukan siya ng balisong at nilimas ang vault n’ya na naglalaman ng benta sa tatlong araw. Kasama sa nakuha ang celfone niya, ani Gutierrez. Noong una, ayaw pabuksan ni Gutierrez ang FB account niya at humingi kaagad ng police report na ikinaduda ni Francisco na inutusan ang General Assignment Section na imbestigahang maigi ang kaso. Kapag may police report kasi siya, makakubra si Gutierrez ng P1 milyon insurance money. Doble kita, ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Matapos mabuksan ang FB account ni Gutierrez at sa pamamagitan ng Apps dun at ng mga CCTV footage, na trace ang motor na sinakyan ng suspect papuntang Pasay kung saan nakatira si Gutierrez. Sa backtracking na ginawa ng mga bataan ni Francisco, si Valenzuelas ay nakitang nakaangkas sa motorsiklo na minamaneho ni Tayco sa umaga bago naholdap ang 7 Eleven ni Gutierrez. Ayon kay Francisco, P50,000 ang ibinayad ni Gutierrez kay Tayco. Dipugaaaaa!

Ayon kay MPD director, nilalabas ni Gutierrez ang paninda niya at pinalabas na bayad ito sa cash register. Subalit binebenta niya ang mga ito sa labas. Sinabi naman ni Eduardo Balidio, 51, ng Philippine Seven Corp. na dapat kasama siya tuwing bubuksan ang vault para malinaw ang hatian nila ng ganansiya. Ayon kay Balidio, bago ang modus operandi na ito at maiiwasan ng 7 Eleven management ito sa hinaharap. Dipugaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

FEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with