^

PET decision puntos para kay VP Leni

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Sa ganang akin, dapat nang tuldukan ang isyu sa kung sino ang lehitimong nanalo sa nakaraang Vice Presidential­ polls matapos ibasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang protesta ni dating Senador Bongbong Marcos na pumabor kay VP Leni Robredo. Kailangang pumayapa ang kalagayan ng politika lalo na sa panahong ito ng pan­demia.

Minsan naiisip ko, bakit kaya hiwalay ang ating paghalal sa Pangulo at Pangalawang Pangulo gayung sa US of A ay package deal ito? Kaya dahil magkaalyado ang Pangulo at Vice, maayos ang pamamalakad sa bansa. Bagama’t patterned and konstitusyon natin sa US, may kaibahan ito sa Konstitusyon ng Amerika.

Sa unang sulyap, tila mainam sana kung gagayahin ang estilo ng Amerika para walang political bickering ang Pangulo at Pangalawang Pangulo. Minsan ngang itinalaga sa gabinete si VP Leni pero para lang kutyain ng Pangulo ang kanyang abilidad bilang anti-drug czarina. Kahit Ano ang gawin ng VP, ito ay puwedeng gawing mali ng naka­upong kapangyarihan.

Pero sa isang banda, ang magkahiwalay na pagboto sa Pangulo at bise ay tumpak kung ikukonsidera ang party system ng Pilipinas na naiiba sa Amerika. Multi-party system kasi tayo samantalang ang US ay dalawa lang ang partido. Dahil dito, nagsisilbing safeguard ng ating demokrasya ang hiwalay na pagpili sa Pangulo at Bise Pangulo.

Balik tayo sa decision ng PET. Para sa akin, ito ay matibay na affirmation ng ating sistemang demokratiko. Natagalan bago maibaba ang desisyon pero better late than never, wika nga. Ito ay isang patotoo na ang tunay na mandato ng taumbayan ay na kay VP Leni.

Sa tingin ko, ang desisyon ng pinakamataas na hukuman bilang Presidential Electoral Tribunal ay malaking puntos para kay VP Leni para magtagumpay kung sakaling kumandidato siya bilang Pangulo ng bansa sa darating na taon. Isa pa, siya ang Vice President sabi nga, malaki ang tsansa ng isang VP para maging President. Kung susuriin, anim sa mga naging Pangulo ng bansa ay nanggaling sa pagiging VP.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with