^

Walang coordination sa isa’t isa ang PDEA at QCPD?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Nagkaengkuwentro ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa isang mall sa Commonwealth Avenue noong Miyerkules ng gabi. Apat ang namatay at may mga nasugatan sa barilan. Misencounter nga ba?

Sa pahayag ni PNP chief Gen. Debold Sinas at ng PDEA, parehong may coordination ang mga ito base sa mga dokumento ng operasyon. Hanggang ngayon ay may trauma pa ang mga naipit sa isang oras na barilan. Sa video footages, kitang-kita at maririnig ang panaghoy ng mga nahintakutan sa putok. Ang ilan ay nagtago sa comfort room at ang iba ay sumiksik sa ilalim ng mga lamesa. Hanggang ngayon, hindi nila malimutan ang nangyari.

Nararapat na imbestigahang maigi ito nina Sinas at Villanueva kung ano ang puno’t dulo ng madugong engkuwentro ng kanilang mga tauhan. Sayang ang naibuwis na buhay ng mga tauhan nila na tumutupad lamang sa tungkulin. Malaking insulto ito sa imahe ng PNP at PDEA kung hindi malalaman ang dahilan ng barilan.

Nagsalubong marahil ang kilay ni President Rodrigo Duterte nang malaman ang nangyari dahil kung kailan pa niya tinaasan ang suweldo ng mga pulis ay saka pa nauwi sa sagupaan kontra sa kinamumuhiang droga. Tiyak ngising aso ang mga sindikato ng droga sa bansa dahil sa engkuwentro ng PDEA at QCPD.

Matagal din akong nakapagkober ng mga operasyon­ ng PNP. Sa pagkakaalam ko, dapat lahat nang ope­ras­yon ng pulis kontra droga ay dapat coordinated sa PDEA. Kailangang lumabas ang tunay na motibo sa madugong engkuwento ng PDEA at QCPD.

Abangan!

PDEA QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with