^

Task force trabaho nilikha ng Pangulo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

Nakalulungkot na naisin man ng pamahalaan, hindi pa rin puwedeng luwagan ang ipinatutupad na quaran­tine protocols sa bansa dahil wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Habang ganyan ang sitwasyon, hindi pa rin makakilos nang ganap ang ekonomiya at mananatiling mataas ang antas ng unemployment.

Taumbayan siyempre and nagdurusa. Umaabot na umano sa 7.2 milyon ang mga taong walang employment­ dahil sa limitadong operasyon ng mga bahay kalakal. Ang mabigat na problemang ito ay dulot ng pananatili ng COVID-19 pandemic.

Hindi natin batid kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkaantala sa pagdating ng mga bakuna mula sa ibang bansa. Kaya ipinasya ni Presidente Duterte na habang wala pang vaccine, hindi pa ubrang magdeklara ng MGCQ sa buong bansa.

Ipinasya ng Pangulo na lumikha ng isang task force na siyang lilikha ng trabaho para sa mga Pilipino. Hindi ko batid kung paano gagawin iyan kung hindi naman luluwagan ang mga health protocols na ipinatutupad.

Ayon kay Cabinet Secretary Karol Nograles, gusto ng Pangulo na magkaroon ng isang unified strategy na lilikha ng mga job opportunities para sa ating mga kababayan. Ang Task Force ay pangungunahan ng Department of Labor and Employment at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nararapat lang na mabigyan ang taumbayan ng oportunidad na kumita ng salapi dahil hindi mayaman ang kaban ng bayan para magbigay na lang palagi ng ayuda sa mga naghihirap na mamamayan.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with