^

Bakuna muna bago pagluluwag

K KA LANG - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

Hindi raw dapat pabakunahan ng Sinovac ang mga frontliners na madalas may exposure sa COVID-19 at mga senior citizens. Ito ang pahayag ng FDA natin dahil mababa at iba-iba raw ang efficacy rate ng nasa­bing bakuna mula China. Prayoridad ng gobyerno na mabakunahan ang economic frontliners at militar dahil sa pahayag ng FDA, kapag dumating na nga ang Sinovac. Ang mga economic frontliners ay ang mga nag­tatrabaho sa mga industriya na kinakailangang mag-operate kahit may quarantine tulad ng pagkain, transportasyon at iba pa. Sa madaling salita, puwede ang Sinovac sa mga hindi namemeligrong mahawahan ng virus.

Mabuti naman at ito ang naging pahayag ng FDA. Matagal nang rekomendasyon ng administrasyong ito ang mga bakuna mula China. Kung ganyan ang abiso ng FDA dahil sa mababang efficacy rate, handa ka bang magpabakuna sa Sinovac? Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mga LGUs ay kumilos para makakuha ng mga bakuna mula AstraZeneca at Pfizer.

Pero kailan nga ba darating ang mga bakuna? Dahil wala pang bakuna, hindi inilagay ni President Duterte ang Metro Manila at ibang lugar sa MGCQ. Nagbabala nga ang mga eksperto na huwag madaliin ang pagluwag sa Metro Manila at baka dumami ang kaso. Pero sigu­rado may kinalaman ang ekonomiya kaya nais ilagay na sa MGCQ ang buong bansa. Kailangang gumalaw ang ekonomiya para makabangon.

Ang Pilipinas ay pang Number 31 sa mga bansa na maraming COVID cases. Sa mga bansa sa Asia, pa­ngalawa ang Pilipinas sa maraming kaso, nangunguna ang Indonesia. Ang ibang bansa sa Asia, gaya ng Thailand ay pang-number 114, Malaysia, number 45 at Singapore, number 94. Maganda sana kung malayo na rin ang Pilipinas sa listahan nang maraming kaso.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with