^

Aminin na kasing nagkulang, pumalpak!

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

No vaccine, no mgcq. Eto ang sabi ni Pres. Rodrigo Duterte. Well, whether you like him or you hate him, tama siya.

Hangga’t wala pa kasi itong lintik na bakuna, hindi natin mapapasigla ang ekonomiya. Hindi puwedeng pilitin sa pamamagitan ng modified general community quarantine dahil ang takot, nasa publiko pa rin.

Babalik lamang ang kumpiyansa at tiwala ng mga con­sumer at negosyante kung may bakuna na dahil sa pag-asang protektado ang bawat isa.

Habang ang ibang bansa, noong nakaraang taon pa nagro-roll out ang bakuna, ang Pinas ay nananatiling nag­hihintay.

Nabubuwisit na ang publiko dahil malapit na maubos ang numero sa kalendaryo ngayong Pebrero – wala pang dumarating. Aminin na natin, may papatay-patay at tutulug-tulog dito. O Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration – tulog pa rin ba kayo?

Hindi n’yo mapagtatakpan ang kakulangan at kapalpakan sa mga dahilang – konting tiis na lang, lahat naman ng bansa ay nakapila. Binibigyan n’yo lang ng consuelo de bobo ang tao. Epekto na lang ng problema ito dahil ang talagang dahilan ay nasa inyo.

Kung babalikan natin, ako tandang-tanda ko ito: Kasag­sagan ng ECQ, panay ang public address ni President Duterte sa telebisyon. Nabanggit niya na maliit lamang tayo na bansa. Walang laban sa mayayamang nasyon na may pera kaya sila ang mauuna sa bakuna.

Inaasahan ng Presidente noon na tayo ay makakakuha ng bakuna sa mga kaibigang bansa tulad ng China at Russia. Maaaring sa pamamagitan ng donasyon o pakiki­pagtulungan sa pamamagitan ng clinical trials ng bakuna.

Ang mga bansang magbubukas ng kanilang pintuan at lalahok sa clinical trials na gagawin ng mga vaccine manufacturers ay mabibigyan ng prayoridad.

Nagtatanong lang, ano ang ginawa ng DOH at FDA sa American and United Kingdom vaccine maker na gustong mag-conduct ng clinical trial noong Setyembre ng nakaraang taon?

Nagmamalaki pa noon ang gobernador ng Cavite na nasa 10,000 residente ang sasailalim sa clinical trials. Subalit hindi raw makakapag-umpisa ang vaccine manufacturers hangga’t walang fda permit noon – Usec. Eric Domingo, sagot!

Secretary Duque,  sa ilalim mo ‘yang si Domingo, imposibleng hindi mo alam ang galawan diyan!

Eh kung kumilos agad kayo at hindi nag-alinlangan,  kung sana naisip n’yong may pandemya, kung napagtanto n’yo agad na mahalaga ang oportunidad na ito noon, aba’y dapat may bakuna na tayo ngayon.

Fast forward 2021, mga  araw na ipinangakong darating ang bakuna wala pa rin. Susme, donasyon pa lang na bakunang Sinovac ng China hirap na tayo – andami kasing dahilan.

Tapyasan n’yo na ang mga dahilan. Aminin na lang na nagkulang o  pumalpak kayo,  period. End of story.

Need I say more?

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with