^

Vaccine czar Carlito Galvez nasaan na ang bakuna?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2021 - 12:00am

NAIINIP na ang mamamayan sa pagdating ng bakuna kontra COVID-19. Kung noon ay natatakot magpaturok ang mga Pilipino sa bakuna, ngayon tila sila na mismo ang sumisigaw na paratingin na ang bakuna at iturok na ito upang may pangontra sa COVID-19. Halos lahat ng vacci­na­tion site ng mga local government units (LGUs) ay handa na.

Hindi naman pahuhuli ang PNP para mabigyan ng pro­teksyon ang mamamayan na dadagsa sa vaccination site.  Nais ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas na ang presensiya ng kapulisan sa lahat ng vaccination center ay fully secured. Mukhang alam na alam ni Sinas na kapag naitakda na ang araw ng pagbakuna sa mga tao tiyak na dudumugin ito at mag-aagawan sa pagpapa­turok. Kaya lahat ng pulis ay ikakalat ni Sinas upang magbigay ng proteksyon at upang hindi ma-harassed ang doctors at nurses sa vaccination center. Sa katunayan halos kara­mihan sa mga mayor sa Metro Manila ay gusto nang pangu­nahan ang pagpapaturok ng bakuna upang mahikayat ang sambayanan. Kabilang diyan si Manila mayor Isko Moreno.

Kahapon ay pinagsigawan ni Isko sa Manileños sa ginanap ng flag raising ceremony sa Manila City Hall na una siyang magpapaturok ng bakuna kahit na ito’y Sinovac vaccine. Ayon kay Isko, “Anuman ang bakuna, basta’t sertipikado at may Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA), gagamitin, natin. May karapatan kayong maghintay ng bakunang type ninyo. Pero para sa akin, basta’t may EUA gagamitin natin.”

Kung sabagay mga suki, naging malaking isyu sa pag­kaantala ng pagdating ng bakuna sa bansa dahil may mga pharmaceutical na humingi ng aprubal sa EUA ng gob­yerno dahil natatakot din ang mga ito na baka nga naman pumalpak este magkaroon ng apekto ang naturukan ng bakuna ay sila naman ang babalikan at panagutin.

Subalit sa pahayag ni vaccine Cczar Carlito Galvez kay President Duterte na plantsado na ang EUA at ang hinihintay na lamang ay ang pagdating ng mga bakuna.  Maging pala si President Digong ay naiinip na rin na maturukan ng bakuna at pumayag na itong isapubliko. Kaya sa mga pahayag na yan ay tila nakumbinsi na ang sambayanan na magpabakuna. Paano nga naman maibabalik sa normal ang pamumuhay kung patuloy na tumataas ang COVID cases gaya sa Pasay City na 33 barangays ang naka-lockdown Maging ang Las Piñas City ay nakapagtala rin ng 23 kaso kaya hindi malayong malalagay na naman ito sa mahigpit na quarantine. Ito ang dahilan kung bakit marami na ang nagnanais ngayon na mabakunahan. Kaya pagdating ng bakuna, huwag nang mangamba sa pagpapaturok dahil sertipikado ito ng EUA at FDA.

CARLITO GALVEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with