^

Kahit nabakunahan puwede pa ring tamaan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2021 - 12:00am

Kahit nabakunahan na ng panlaban sa COVID-19 ang isang tao, puwede pa rin itong kapitan ng sakit at makapanghawa, Ayon sa mga medical experts.

Kung gayon, ano ang silbi ng bakuna at bakit tayo gagastos ng malaking halaga para rito?

Paliwanag ng Department of Health, importante pa rin ang magpabakuna dahil maiiwasan dito ang malubhang sintomas na dala ng sakit. Maaari rin nitong bawasan, kundi man alisin ang posibleng pagkamatay ng isang tinamaan ng COVID-19.

Noon lang nakaraang linggo ay naibalita na may isang OFW na nabakunahan sa abroad bago bumalik ng Pili­pinas ngunit pagdating dito ay nagpositibo pa rin sa sakit. Na­ngangahulugan na hindi pa rin matutuldukan ng tuluyan ang pandemia ng sari-saring bakuna na dinivelop ng iba’t ibang mga bansa.

Ipinaliwanag ni Eric Tayag, DOH director for Know­ledge­ Management and IT Service, na ang mga clinical tests sa COVID-19 vaccines ay hindi pa ganap at sumasailalim pa rin sa development at mangangailangan ng emergency use authorization mula sa mga ahensyang pangkalusugan ng mga bansang pagdadalhan sa mga ito.

Nauunawaan naman natin iyan dahil walang bakuna ang puwedeng gawin nang mabilisan at ang bagong virus ay kailan lang sumulpot at nagdulot ng pandemya. Pero kailangan na ang bakuna sa pag-asang ito ang magbi­bigay ng dahilan para makapanumbalik agad sa normal ang kalakaran ng daigdig.

Ang pinakamabuting paraan pa rin ay ang pag-iwas sa sakit hanggang sa mawalan na ng taong kakapitan ang mga virus at kusa na itong mamamatay sa kawalan ng host na magsusustento para mabuhay ito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with