^

COVID-19: Subjugation without invasion?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2021 - 12:00am

WARNING ng World Health Organization, posibleng tumaas­ muli ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kapag ipinailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCG) ang buong bansa.

Ito ay ang mas maluwag na mga patakarang dapat sundin nating mga Pinoy upang hindi mahawahan ng kinata­takutang sakit at mapigil ang mabilis na paglaganap nito. Nangangamba ang WHO sa balak na ito ng Pilipinas lalo pa’t mayroon daw bagong variant na mas madaling makahawa.

Kung abutin pa ng ilang taon ang umiiral na pandemya, baka tuluyan nang mamatay sa gutom ang maraming Pili­pino dahil sa pagkaparalisa ng ekonomiya. At habang sus­pendido ang mga paaralan at unibersidad na umaasa lang sa on-line classes, ‘di ba magiging bansa tayo ng mga mang­­mang kapag nagtagal pa ang ganitong sitwasyon?

Marami ang naghihinala na ang pandemic na ito ay isang scenario na idinisenyo ng mga makapangyarihang bansa upang lumpuhin ang maliliit na bansang tulad natin para tayo ay maging dependent sa kanilang mga dikta.

Para bang ito ay uri ng disimuladong pananakop ng mga malalakas na bansa. Sa Inggles, subjugation without invasion.

Sinasabi mang peligroso pa rin ang sitwasyon, pati mga lokal na opisyal ay pabor na sa pagluluwag ng qua­rantine protocols sa MGCQ gaya ng panukala ng Inter-Agency Task Force upang muling ma-activate ang mga indus­triya at maibalik ang nawalang hanapbuhay ng marami nating kababayan.

Para sa akin, tama ito pero kailangan pa rin ang ka­ukulang pag-iingat. Proceed with caution, wika nga. Bawat hakbang na balak gawin ay dapat ipailalim sa misusing pag-iisip para hindi tayo makagawa ng kamaliang ating pagsisisihan sa dakong huli.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with